KATE . . Lahat kami ay nagulantang sa sinabi ni Mia kaya agad ko na siyang hinila at tinakpan ang bibig bago lumingon lingon sa paligid, mabuti nalang walang staff na dumaan. Puro mga bisita lang pero nakakahiya pa rin yun pag narinig nila ang sinabi niya. Kakagigil tong babaeng to, bubusalan ko talaga yang bibig niya at lagyan ng maraming tape ng matahimik. "Ahahaha pagpasensyahan niyo ho siya sir, lasing lang. Awit ka Mia tara na!" sabi ko at pilit siyang hinila, may pinagsasabi pa siya pero dahil tinakpan ko ang bibig niya ay hindi na namin ito naintindihan pa. "Mag best friend talaga kayo, you also act and look like that when drunk." pahabol na sabi ni Zion na ikinasama ko ng tingin sakanya. Kinaladkad ko na talaga si Mia paalis dahil gusto niya pa bumalik, buti nalang may taxi

