On-The-Love Training midnyt_princess CHAPTER 75 MAKI – POV Kinuha nya ang sariling panyo nya at nagpaka gentleman na tinulungan ako. Kinuha ko yung sanitizer sa bag ko na isa sa mga pinulot ni Jin kanina sa kalsada. Naalala ko tuloy sya. Kung sya siguro ang kasama ko ngayon... Well.. Sigurado ako na hinihimatay sya sa katatawa dahil nadumihan ako ng ibon sa ulo. Napabusangot tuloy ako. "Bakit?", natatawang tanong sa akin ni Vincent. "Ah wala, may naalala lang ako." "Don't feel bad about it. Halika, ihahatid na kita. Baka hinahanap ka na sa inyo.", sabay gagap niya sa kamay ko. Napataas ang kilay ko! Kala ko ba ay kapatid lang? Bakit may pahawak hawak pa ng kamay? Napasunod na lang ako sa kanya at hindi na ako umangal. Hinaya

