On-The-Love Training midnyt_princess CHAPTER 46 MAKI POV "Cut!!!", sigaw ni direk ng matapos ang part na kinukuhanan nila. "Good take Justin!", nakangiting sabi pa niya. "Thank you direk." "Okay next scene agad tayo! Bilisan nyo ang kilos nyo!". "Boys! Boys! Kuhanan nyo yung scene nila Jin at Angel don, hindi na tayo babalik dito bukas kaya dapat mai-take na yon!", sigaw pa nya gamit ang kulay pink na megaphone. Nawili din ako sa panunood sa kanila. Naka standby ako sa isa sa mga umbrella cottages na ginawa ng support team. Nasa isang farm kasi kami at may ilang scene na kinukuhanan dito kaya medyo busy talaga ang lahat. "Maki? Are you okay?", sabi ni Justin na nakalapit na pala sa akin. "Oo naman.", nakangiting sagot ko sa

