On-The-Love Training midnyt_princess CHAPTER 43 MAKI POV Halos natawag ko na ang lahat ng santo at santa na kilala ko, tanggalin lang ang masamang ispiritu na naka sapi sa Jin na to. "Jin, iwan mo na si Maki dyan, ako ng bahala. Wag ka na din masyadong maingay at baka magising mo pa si Cha, alam mo namang dalahira yang berat na yan." narinig ko ang boses ni Pinky. At para kong nakakita ng liwanag. Talagang mahahalikan ko na sya mamaya! Sige push pa. "No! Dito nalang muna ko. titignan ko lang kung hanggang saan tatagal tong isa na to.", inis pa din ang tono ng boses ni jin. Naramdaman ko pa ang paglundo ng gilid na kama. At talagang naupo pa sya sa tabi ko ha. Meaning... May balak pa syang magtagal.

