On-The-Love Training midnyt_princess CHAPTER 70 JIN- POV Busy ako sa paghahanap ng medicine bag nung marinig ko na may tumatawag sa cellphone ko. Kasalukuyan akong nasa backseat ng sasakyan ko at naghahalungkat nga sa mga gamit dito. I think... I really have to take pain reliever dahil ayaw maalis ng sakit ng braso ko. Kanina kasi nung paglabas namin ng mall ay may bigla na lang humawak at humatak sa kamay ko tapos ay pinangatawanan na ngang hindi bitiwan. Sa dami ng mga taong nagkakagulo ay hindi naman na ako makahinto sa paglakad kaya ayon at napwersa ang buong braso ko. Damn it! Hindi lang talaga ako makapag reklamo. Pero given a chance... Gustong gusto ko hanapin yung taong humatak sa kamay ko. Sisitahin ko talaga sy

