On-The-Love Training midnyt_princess CHAPTER 65 MAKI POV "I think nakilala nya si Maki kahit nakatalikod pa! or should I say na nabubusit na sya sayo Barbie, kasi nga apura yung pa cute mo diyan! halatang halata ka!", natatawang sabi ni Cham. "Che ang echos mo Cham!", irap na sagot nya. Umirap pa talaga. "Pero tingin ko nga nakilala na nya si Maki, kasi lingon na sya ng lingon dito.", sabi ni Marga na parang nagsasabi ng totoo. "Totoo ba?", gulat na tanong ko naman. "Malay namin, see it for yourself! Tignan mo sya hanggat hindi nakatingin! go!", excited na sabi ni Bambi. Na ewan ko ba at naniwala ako. She just tricked me... Kasi nung lumingon ako sa gawing likod ko para nga tignan si Vincent ay saktong nakatingin din sya sa gawi

