On-The-Love Training midnyt_princess CHAPTER 57 JIN- POV "Jin, for a moment please.", bungad ni Bobby sa pintuan after niyang kumatok. That time ay nag uusap kami ni Maki regarding sa mga favorite naming anime. Na aaliw akong kausap sya dahil wala man sa itsura niya ay pareho pala kami ng hobby. Kaya nga lang at eto nga si Bobby at nang iistorbo. Kinambatan pa nya ko na lumapit. Sa itsura niya ay para syang troubled kaya tumayo naman agad ako para lapitan sya. Sa labas na kami ng kwarto nag usap. "Bakit?", takang tanong ko. Para kasing hindi sya mapakali. "Sorry pare, I know you'll hate me for this. Kaya lang wala na kong maisip na i-dahilan pa sa kanya eh. Kaya nasa office ko na sya at hinihintay ka." "Ha? Sino nga? Ang dami mong pasakalye eh." "Yung broth

