On-The-Love Training midnyt_princess CHAPTER 97 Kinabukasan. Kahit puyat kaming lahat ay himalang maaga lahat kaming mga nagising. "Asar! ang sakit ng katawan ko! Napilayan ata ako.", reklamo ko habang iwinasiwas ko yung mga braso ko. Palapit ako sa kanila sa may dining area para mag breakfast. "Nagtataka ka pa ba? Kasalanan mo naman, bakit kasi tumabi ka kay Tabatina? Kita mo naman yung mga pata nya, madaganan ka lang nya siguradong patay ka!", natatawang sabi ni Cham na naupo sa tabi ng kapatid. "Che! Mga mapanghusga!", namumuwalan na singhal ni Bambi. Puno pa kasi ang bibig nito sa pagkain. "Magpapayat ka naman kasi ng konti.", suggestion ni Marga. "Walang basagan ng trip pwede? Kayo na ang mga payat!", irap pa ni Bambi. "Hayaan nyo na nga itong kaib

