Chapter 8

1645 Words
On-The-Love Training midnyt_princess CHAPTER 8   MAKI - Point Of View     In-announce na nila na bago nga magpaalam si Jin ay magpapamigay sila ng mga souvenir ng Pub Royale.   Ilang sandali pa...   May mga cart na ngang ipinasok sa stage. May laman yon na parang scroll na kulay black. Sa tingin ko ay poster lang naman ang laman. "Please! I need one!!!", kinikilig na sabi ni Bambi. Pinagkaskas pa niya ang mga palad nya.   Ano ba yon?   Orasyon?   Tapos ayon nga...   Nag start na mag paagaw si Jin ng mga scroll like thing. Limitted lang daw kasi yon.   Kaya ayon.   Nagka gulo gulo tuloy yung mga tao sa pagsapo at pagpulot.   Grabe!   To think na ang mahal ng ticket sa entrance, bakit hindi pa ginawang tig isa isa para lahat meron? At dahil mahal ang ticket. Meaning ay  mga can afford ang lahat ng nandito. Pero pag tinignan mo sila ngayon ay para silang mga yagit na nag aagawan pa sa souvenir. Iba talaga ang nagagawa ng power of kasikatan.   Blag!!!   Napanganga ako.   Hindi ko na nagawa pa ang kumibo.   Bigla kasing something hit my poor forehead.   Yeah!   Hindi lang basta something.. Isang mabigat na something! Naramdaman ko na nagkagulo sa paligid ko. Pero hindi ko na nagawa pang tignan sila.   Nahilo ata ako.   "Oh my god! Maki, are you okay?!" Dinaluhan agad ako ni Marga.   May lalaki syang kasama. Pilit nila kong inalalayan para makapunta sa mas maluwag na lugar.   Malamang na sya si Rap. Ang suitor ni Marga na bartender na naka assign dito sa Pub Royale. "Tinamaan ka ng souvenir, masakit ba? Bumanda kasi sa speaker kaya tumama sayo." Paliwanag ni Marga habang tinitignan ang noo ko.   "Sandali, kukuha ko ng ice.." Paalam ng lalaki.   "Thanks Rap." Pabebe si Marga.   Napahawak ako sa noo ko.   Nagbukol pa yata.   Or worst ay may gasgas pa.   Ang hapdi kasi.   How lucky ko naman talaga oo!  Mapapa shet ka na lang eh.   "Asar naman, walang nagawa ang kapal ng bangs ko sa tumama sa akin ah. Na strike na naman ako ng Jin na yan!", reklamo ko. Dahan dahan kong hinimas himas ang noo ko na tinamaan. "Nakuha mo pang magbiro dyan..", nag aalalang sabi ni Marga.   Inabot nya agad sa akin ang dalang panyo ni Rap na may ice.   "Thanks Marga, thanks Rap."   Nag cold compress ako.   Nasa ganung position ako nung madatnan ako ng kambal. "Oh bakit nakabusangot si Bambi?" Pansin ni Marga na si Cham ang kausap.   "Ah wala, hayaan nyo lang yang taba na yan..."   "Anong wala?! Nakakainis kasi... Hindi ko pa nakuha yung souvenir na napunta sa gawi natin."   Singit ni Bambi na nakatingin sa akin.   Ako yata ang pinariringgan nya. "Bam, wala naman may kasalanan non, kasi di ba nga sabi ko sayo, hindi na yon mapupulot ni Maki dahil natamaan sya sa ulo..." Inis na paliwanag ni Cham sa kakambal na siguro ay 100x nang inuulit dito.   "Para nasa paanan nalang naman nya eh, pupulutin na lang, nakuha pa ng iba. Sabi ko naman i need it!"   "Teka lang Bambi ha, at ako pa pala ang sinisisi mo? Hindi mo ba to nakikita? May bukol ako oh..."   Paliwanag ko sa kanya.   Kakatampo lang ha...   Friendship over souvenir?   Ano yon?   "Ewan ko sa inyo!"   Walkout si Bambi.   "Maki, pasensya na kay Barbie. Alam mo naman yon, ganun lang yon ngaun pero pag gising non ay okay na...", hinging dispensa ni Cham para sa kapatid nya.   "Okay lang, dapat talaga ay pinulot ko na din muna yon. Anyway, sanay naman ako na ganito kaming dalawa. Sundan mo na sya at baka magpakamatay pa yon." Dinaan ko na lang sa biro ang sagot ko para mapanatag na din sya.   "Sure ka ba na susunduin ka ni tita Diane?" Nag aalalang tanong ni Cham.   Wala kasi akong dalang sasakyan. Nakasakay kasi kaming lahat sa pajero ng kambal papunta dito sa Pub Royale. Nangako naman si mama na susunduin nya ko.  "Sasamahan namin ni Rap si Maki habang wala pa si tita Diane." Assurance ni Marga bago tuluyang umalis na si Cham.   After ng ilang minutes.   Tumunog ang cellphone ko.   "Hello, ma.."   "Hello, sweetheart. Can't make it tonight. Sabi ng kambal kasama mo pa daw si Marga. Sabihin mo kay Marga makiki stay ka muna sa kanila ha.." anito sa kabilang linya.   Madami pa syang sinabi.   Pero hindi ko naman na maintindihan dahil maingay sa background niya. San naman kaya nakarating ang aking ina? Busy na naman kaya sya with her friends? "Hay buhay, mahirap din talaga magpalaki ng magulang.."   Napabuntong hininga ako. Pakiramdam ko ay mas sumakit pa yung bukol ko sa noo.   "Anong sabi?" maya maya ay tanong ni Marga.   "Hindi nya ko masusundo eh, alam mo na. Kaya makikitulog ako ulit sa inyo,okay lang?!"   "Oo naman, balak ko naman talaga magpahatid sa inyo ni tita Diane kung masusundo ka nya. Alam mo din naman si Papa, wala pa kaming balak ni Rap na harapin sya ngayon..".   At ayon nga...   That night...   Kila Marga ako nag stay.   Tapos maaga din akong umuwi ng bahay namin. Nag thank you ako sa driver nila Marga bago ako bumaba ng sasakyan.   Uuga uga akong lumakad.   Binuksan ko ang mini gate namin.   Nakatira kami sa isang maliit lang na subdivision.   Cute lang ang mga bahay dito.   Simpleng two storey bungalow.   Simpleng gate.   May garden at may garahe.   Tumingin ako sa wrist watch ko.   Mag 7am na din pala ayaw pa nga akong ipahatid ni Marga at ng Mama nya. Alok nila ay magpa parlor daw muna kami. Gusto ko sana kaso tinatamad ako kaya nagdahilan na lang ako.   Napabuntong hininga ako.   Pagod na nga ako.   Puyat pa.   Parang wala naman akong napalang maganda kagabi. Gusto ko pa tuloy magsisi.   Pag pasok ko sa loob ng gate ay natanawan ko agad ang kotse ni mama na naka park katabi ng sa akin.   I wonder kung nakauwi na ba ang nanay ko o wala din syang dalang sasakyan kagabi.   Tapos timing naman.   Narinig ko biglang may humintong sasakyan sa harapan. Hinintay ko na makapasok ng gate si mama. Hindi na sya nagulat ng makita nya ako. "Home sweet home anak.", lambing na bati niya sa akin.   "Hi, ma,” nag beso beso kami.   Kinuha ko ang dala nyang plastic bag.  Nagtake out sya ng pagkain namin. "Alam kong pauwi ka na, tumawag ako kay Marga. Cannot be reached na ang phone mo.,"   "Nag empty na po, hindi na ako naki charge don."   Sumunod ako sa kanya papasok sa loob ng kabahayan. Pinagmasdan ko sya habang nakatalikod. Mas maporma pa sya kaysa sa akin.  Mas sexy at mas may class. Ngayon nga lang ay naka fitted skirt at classy blouse pa sya. Samantalang ako ay nakapang haragan na.   "Yung kasama ko kanina, classmate ko nung college, si Tim nagkita kami sa botique kahapon with other friends at nagkayayaan na lumabas." Pagbibigay alam niya sa akin.   At the age of 40.   Bata pang tignan ang mama ko.   Kaya naman para lang kaming magkapatid.   "Galit ka ba sa akin at hindi kita nasundo?",paglalambing niya.   Niyakap yakap pa nya ko.   Ganito talaga kami ng mama ko.   Kung ituring nya kasi ako ay parang baby pa din, lagi syang naglalambing. "Of course not, sanay na ko sayo Ma, basta nag enjoy ka ay okay lang sa akin."   "Cute ng baby ko!". She pinched my chicks.   "Ma naman eh! Ang sakit ha!"   "Ang cute mo kasi! Manang mana ka sa akin!", sabi nya na ginulo pa nya ang bangs ko.   Napa ouch tuloy ako.   "O na paano naman yan!?"   "Wala lang po. Dala ng malaking "K" lang."   "What "K"? Kabengotan?", natawa sya.   In-examine nya din yung bukol ko.   "Kamusta naman yung lakad nyo kagabi?, Nakita ka ba ni Jin? Nakilala ka ba nya?!"   I rolled my eyes.   "Ma, hindi na ko kilala non. Minsan lang naman kami nagkita at matagal na yon.."   "Bakit ako? kilala pa rin nya ko? Mabait na bata naman yon, kaya kahit sikat na. Hindi naman nakakalimot..", depensa niya.   "Ang jamming mo naman Ma, syempre acting na lang nya yon.."   "Pero aminin mo, mas gwapo sya ngayon di ba? Lalo na pag malapitan. Parang kailan lang ay para lang syang totoy. Ngayon binatang binata na sya."   "Hindi ko po sya nakita ng malapitan. Tsaka nadadala lang din naman sila ng make up at spot light."   "Nak, Baka may ka date ka kagabi kaya hindi mo na notice yung itsura nya ha?", intriga pa nya.   Nagdududang tinignan pa nya ko sa mata.   "Wala po akong ka date, at kung meron man edi siguradong nalaman mo na agad yon.."   "Malalaman ko yon kung may magsasabi sa akin.. ay o halika, kumain na tayo, tapos kwentuhan mo pa ko..."   Ayon nga.   Edi kumain na kami ng magkasalo.   Tapos bigla nalang syang nasamid.   Nag alala tuloy ako.   "Ma, okay ka lang?", sabi ko.   Inabutan ko agad sya ng tubig.   "Ah! I almost forgot, about sa SJT mo nga pala."   Yun pala ang naalala nya.   "Don't worry Ma, I'm working on it.."   "No, I mean, inilapit ko sa tita Virgie mo ang resume mo. Kagabi nga lang sya tumawag eh. Ang sabi nya pumunta ka daw sa CBE Network today."   [Country's Best Entertainment Network channel 4 or CBE]   "Mahirap pumasok sa CBE ang mga trainee ngayon. Yun ang sabi ni Virgie sa akin. Kaya hindi na sila nag approve sa St. Brigette nung nag request ng training. Kaya lang, sabi ko ay kailangan ka nyang tulungan. Ayon at pumayag naman sya. And she said,  ibibilin ka nga nya sa assistant nya today at 10am sa office nila."   "Po?, Ma! Bakit ngayon mo lang sinasabi yung ganyan.. ang layo kaya non.. late na oh!", panic mode na ako.   "One hour lang ang byahe. Ihahatid kita. Oh go na at magpaganda..", naka ngiting taboy pa nya sa akin.   Tapos ay itinuloy nya na ang pagkain.   Ako naman.   Nagtatakbo na ko agad paakyat sa taas para gumayak.   Itutuloy..  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD