Xena 4 YEARS AGO Masaya akong nakikipaglaro sa mga trolls sa labas ng kweba. Sinulit ko ng wala ang guro namin at lumabas ako. Akala ko ay matagal pa akong makakapaglaro sa labas nang makarinig ako ng pag-ubo sa likuran ko. Dahan-dahan akong napalingon at bumungad sa akin ang seryosong mukha ng guro ko. I faked a smile and slowly stepped backwards. "H-Hehe. Welcome back teacher." Pilit na ngiting sambit ko. Napasinghap na lamang sa akin ang guro namin. "Lumabas ka nanaman ng walang paalam Xena." Napakamot na lamang ako sa ulo ko at napayuko. Balak ko na sanang magdahilan nang makuha ng atensyon ko ang mga batang kasama ng lalaking kaharap ko. "S-Sino po sila?" Marahang tanong ko. Bakas sa mga mukha ng mga bata na walang silang alam sa pinuntahan nila. Mga bata sila sa panahon

