KID'S POV Mabilis akong naglakad at humalo sa maraming tao. Yari nanaman ako kay teacher. Sinabi ko na hindi ako aabot ng dalawang minuto sa labas. Pero ngayon ay gabi na. Ibig sabihin ay sumobra na ako sa dalawang minuto. Kailngan ko ng humiling sa buwan bago ako bumalik. Habang nagmamadaling naglalakad ay sumagi sa isip ko ang kunehong lalaking kasama ko kanina. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko dahil sa sinabi niya. Sisiguraduhin kong tutuparin ko ang pangako ko. Mag-aaral ako ng mabuti at gagawa ako ng magagaling na spells. Kikilalanin ako bilang pinakamagaling na witch sa mundo ng mahika. Hawak-hawak ko ang mga wands na ibinigay niya sa akin habang tumatakbo papunta sa capital ng Gretta. Dito makikita ng mabuti ang asul na buwan na nangyayari lang kada walong daang taon. Nan

