Xena Naramdaman kong parang nasusunog ang laman ko. Nang muli kong minulat ang mga mata ko ay bumungad sa akin ang sinag ng araw at ang mga puno. Bumalik na kami sa kasalukuyan. Ang gubat kung saan kami nanggaling ni Raze. "F-f**k ang sakit ng ulo ko." Giit ni Raze habang hawak-hawak ang ulo niya. Hindi ko siya pinansin at mabilis akong napatingin sa paligid. We left Zairah, Lei, and Tana here. Paniguradong pinag-alala namin sila. Inilibot ko ang tingin ko pero walang bakas na nandito ang mga kasama namin. "W-Where are they?" Pagtataka ko. Wala sila rito sa gubat. Alam kong dito lang kami huling nanggaling ni Raze. "Nawala tayo ng halos dalawang araw Xena. Hindi kaya nauna na sila?" Sagot sa akin ng lalaking kasama ko. Natauhan ako sa sinabi niya. Mabilis kong binilang ang mga ar

