Xena
Walang kaemo-emosyon akong nakatingin sa lalaking nagsisimula ng palibutan ng mga kadena. Kahit nabigla sa nangyari ang mga kasama niya ay hindi lang sila tumunganga sa mga pwesto nila.
"You b***h-" Naiinis na sambit ng isa sa kanila.
Nagsimulang sumugod ang mga kasama ni Nine. Halos lahat sa kanila ay kaedaran lamang namin o mas bata. Masyado silang mabilis na mauto gamit ang mahika.
Hindi rin nanatiling nanonood ang mga kasama ko at gumalaw rin sila sa mga pwesto nila.
Nagsimulang magpalitan ng mga spells ang dalawang grupo. Hindi hamak na mas marami sila sa amin at hindi ko rin maitatanggi na may mga potensyal ang mga spells na ginagamit nila. No wonder why, it really is true that they were born with talents.
Kinuha ko na ang chansang yon para lapitan si Tana.
"na eísai eléftheros." Sambit ko.
Unti-uting lumuwag ang pagkakatali ni Tana sa upuan hanggang sa tuluyan na siyang kumawala.
Mabilis itong tumakbo papalapit sa akin at niyakap ako nang tuluyan ng matanggal ang pagkakatali niya.
"X-Xena!" Naiiyak na sambit ni Tana.
Napangiti na lamang ako sa reaksyon nito at hinawakan ang likod niya para pakalmahin siya.
Hindi pa tuluyang tumitigil si Tana sa pag-iyak ay mabilis na nawala ang ngiti ko sa labi.
Napunta ang tingin ko sa lalaking nasa gilid namin. Dahan-dahang natatanggal ang mga kadenang nakakabit dito.
"katastréfo." Nakangising sambit ni Nine.
Tumalim ang tingin ko rito habang tuluyan ng natanggal ang mga kadenang nakapalibot sa kaniya. He used a Cipher Spell.
"Too bad. Even if that's a Rank SS spell, its no use against a Cipher Spell." Dagdag ng lalaking kaharap namin.
Humarang ako sa harap ni Tana pero nanatiling nasa lalaking kaharap ko ang tingin ko.
"Sayang naman ang kakayahan mo. Saan ka ba nabibilang? Nobles? You have a relative in a council?" Sunod-sunod na tanong ni Nine.
"Kung sasagutin ko ba ang tanong mo ay sasagutin mo rin ang tanong ko?" Balik ko.
Hindi ko siya hinintay na makasagot at muli akong nagsalita.
"Saan niyo nalaman ang Cipher Spells? Alam niyo ba kung nasaan ang Grimoire ni Astria?"
Tumagal ng ilang segundo bago naproseso ng lalaking kaharap ko ang sinabi ko. Matapos nun ay umalingawngaw ang malakas niyang tawa.
"What a stupid question. Ofcourse we know Cipher Spells. We are the 12 disciples of Astria. Kami ang mga witches na pinili niya." Nakangising sagot sa akin ni Nine.
Napaismid ako sa sinabi nito at humigpit ang pagkakasara ng kamao ko. This guy is out of his mind.
"Utang na loob namin kay Astria ang kakayahan at mga mahika na meron kami ngayon. At handa kaming ialay ang buhay namin sa kaniya. Kaya nga nandito kami ngayon para ipahiwatig ang mga salita niya."
"Tulad ko ay utang na loob niyo rin ang lahat na meron kayo dahil sa kaniya. Kung hindi dahil sa Grimoire ni Astria ay magpapatuloy ang digmaan sa pagitan ng iba't ibang nilalang. Bakit hindi niyo rin siya pagsilbihan? Astria is the Greatest Witch of all time!"
Hindi ko magawang makasagot. Tanging pagkagat na lamang sa ibabang labi ang nagawa ko.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Kung lungkot, galit, o awa.
Isang myembro pa lang ng 12 disciples ang nakikilala ko at hindi ko na gustong isipin pa kung anong klase mga tao ang ibang myembro. Masyado na silang nahibang.
Hindi ko alam kung bakit umabot sila sa ganito. Kung ano ang kani-kaniya nilang mga kwento kaya ayoko silang husgahan kaagad.
But this isn't right.
"Offer your lives to Astria! Ipalaganap niyo ang mga salita niya!" Natatawang sambit ni Nine.
Nagbago ang ekspresyon ko at dahan-dahan akong humakbang papalapit sa kaniya. Nakuha ng ginawa ko ang atensyon ng lalaking kaharap ko.
"Hindi mo sinagot ang tanong ko." Walang kaemo-emosyong sambit ko.
Nagtama ang mga mata namin ni Nine. Hindi ko alam kung bakit biglang nagbago ang pakiramdam ko. Tila iba ang ipinipahiwatig sa akin ng mga mata niya.
Anong nangyari sa'yo at umabot ka pa sa puntong ganito?
Pasimple akong napabuntong hininga. Para bang nandilim ang paningin ko at wala na akong nakikitang iba maliban sa lalaking kaharap ko.
Tuluyan nakong napunta sa harapan ni Nine. Natigilan ito sa pagsasalita at kapwa ko ay nanatili itong tahimik.
"I'm sorry. Pero hanggang hindi ko pa natatapos an layunin ko ay ayoko ng makakaabala o magiging sagabal sa akin."
Kumunot ang noo ng lalaking kaharap ko. Pero bago pa niya magawang magsalita ay naunahan ko na siya.
"metatrépetai se koráki." Mahinang sambit ko.
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Nine sa sinabi ko. Pero huli na ang reaksyon niya at nabanggit ko na ang spell.
Unti-unting nagbago ang katawan niya at hindi niya man lang magawang makapagsalita dahil sa pagkabigla.
This is another Rank SS spell. But this spell is only used by high rank members of the council. Sa sobrang rare at hirap ng spell na to ay halos itinuring na rin itong Cipher Spell ng mga nobles.
Kahit ayoko man itong gamitin ay wala akong magagawa. Ito lang ang naisip kong paraan para matalo ko ang lalaking kaharap ko ng hindi malaki ang pinsala.
Mas nakabubuti na rin ito para na rin hindi na siya maging sagabal pa sa paglalakbay namin.
Dahil sigurado akong darating ang araw na makakaharap ko ang lahat ng myembro nila. Kaya hangga't maari ay gusto ko silang bawasan man lang.
Sinisigurado ko namang babalik siya sa dati niyang katauhan kapag natapos ko na ang layunin ko.
"Do you want to know a secret?" Biglaang pag-iiba ko.
Nag-aalalang napunta ang mga tingin sa akin ni Nine habang unti-unting nagbabago ang katawan niya.
Dahan -dahan akong lumapit sa kaniya at itinapat ko ang bibig ko sa kaniyang tenga.
"There is no such thing as 12 Disciples of Astria." Pangunguna ko.
"Astria is dead. I killed her."
•••