Raze
Unti-unting napaawang ang bibig ni Xena sa sinabi ko. What's with the reaction?
Hindi nito nagawang makapagsalita o makareact man lang. Naging awkward tuloy kami bigla.
"Tara na baka nandun na sina Tana." Pagbasag ko sa katahimikan.
Pilit na ipinakita sa akin ni Xena ang ngiti niya. "A-Ah! Oo nga tara na!" Pakitang siglang sambit nito.
Napasinghap na lamang ako sa inakto niya at sinundan siya maglakad pabalik. Nanatiling tihimik ang paglalakad naming dalawa ni Xena nang may nakakuha ng atensyon ko.
"Uy may bata! Malapit ng mahulog!" Rinig kong sambit ng isang sibilyan.
Pareho kaming nagkatinginan ni Xena at alam na namin ang gustong iparating ng isa't isa. Mabilis kaming tumakbo papunta sa pinanggalingan ng kaguluhan.
Sumulabong sa amin ang mga nagkukumpulang tao sa capital at pare-pareho silang nakatingin sa pinakamataas na puno na nandito.
Kapwa kaming natigilan ni Xena nang makita ang isang batang babaeng nakasabit sa itaas.
Hindi ko alam kung pano nakapunta riyan ung bata pero ang alam ko lang ay tanga siya. Aakyat siya taas tapos hindi siya marunong bumaba.
Nagsimula ng magsiakyatan ang mga lalaki rito para kunin ang batang babae. Napaismid na lamang ako dahil alam kong hindi sila aabot.
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at natagpuan ko na lang ang sarili kong tumatakbo papunta sa baba ng mataas na puno. Nang napabitaw na sa pagkakasabit ang batang babae ay mabilis kong binanggit ang spell.
"ánemos." Sambit ko.
Humampas ang malakas na hangin sa kinaroroonan namin at dahan-dahang binuhat ang babae pababa.
Bakas sa mukha ng batang babae ang pagkabigla na hindi inaasahan ang ginawa ko. Naibaba ito sa puno ng wala man lang galos.
Wala kaagad nakareact sa mga taong nanonood sa amin. Doon ako natauhan sa ginawa ko.
Naramdaman ko ang pagbigat ng paghinga ko at ang pagsikip ng dibdib ko. Lahat ng tingin ng mga mamamayan ng Sydros ay nasa akin.
Gumamit ako ng mahika. Sigurado akong nakikilala na nila ako ngayon.
Bago magawang makapagsalita ng batang babaeng tinulungan ko ay mabilis na nitong kinuha ng nanay niya. Ni hindi man lang ako pinasalamatan o tinapunan man lang ng tingin ng nanay niya.
Mabilis silang naglakad papaalis sa harap ko. Kasunod nun ay ang tahimik na pag-alis din ng mga tao sa paligid na para bang walang nangyari.
Napayuko na lamang ako at humigpit ang pagkakasara ng kamao.
Dahan-dahan lumapit sa akin si Xena na naguguluhan at nabigla rin sa nangyari. Pero imbis na magtanong ay nanatili lang itong tahimik.
Muli kaming naglakad pabalik ni Xena na para bang walang nangyari. Alam kong gusto niyang magtanong ngayon pero pinili na nalang niyang itikom ang bibig niya.
"Nabigla ka ba?" Biglaang sambit ko. Pilit kong ipinakita ang isang ngisi sa babaeng kasama ko.
"I guess nabigla lang sila nang makita ang isang lalaking dapat patay na. Mukhang kasalanan nga atang buhay pa'ko." Natatawang dagdag ko.
Alam kong biglaan lang itong mga lumalabas sa bibig ko. Hindi ko rin alam kung bakit ko to nasasabi. Sigurado akong naguguluhan si Xena sa mga sinasabi ko. Paiba-iba ang mood ko.
Napunta ang tingin ko sa babaeng kasama ko at natigilan ako sa pagtawa nang makita ko itong seryosong nakatingin sa akin.
"Being alive is not a sin."
Nabigla ako sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan na seseryosohin niya ang sinabi ko na mas lalo kong kinatawa.
Unti-unting natigil ang pagtawa ko at napunta ang tingin ko sa langit.
"I told you that I was born and raised here, right?" Casual na sambit ko sa babaeng kasama ko.
"Nagtataka ka siguro kung bakit ganun ang pakikitungo nila sa akin?" Nakangiting dagdag ko.
Bago magawang makapagsagot ni Xena ay muli ko itong tinapunan ng tingin.
"My parents were considered as traitors in the council. They were both killed in this city."
Natigilan si Xena sa sinabi ko. Hindi niya nagawang makapagreact kaagad o makapagsalita.
Tinawa ko na lamang ang sakit na nararamdaman ko. Unti-unting bumalik sa akin ang mga alaalang ayoko ng maalala pa.
"My parents were used to be a great witch. They were both members of the coucil."
Hindi makapaniwala sa sinabi ko si Xena. "S-So that means. Y-You're a noble."
Ngiti ang pinakita ko rito at isang tango ang sinagot ko.
"Well used to be. Lagi ko pang pinagmamalaki na isa akong noble at magiging malakas ako na witch. Pero nawala sa council ang parehong magulang ko."
"Everything was okay. Until that happened."
Nawala ang pagkurba ng labi ko at tila nandilim ang paningin ko. Ang tangi ko lang naalala ay ang nga nangyari noong nakaraang walong taon.
"Eight years ago. Inilabas ang utos sa council na bibigyan ng permiso ang mga witches na gamitin ang mga spells na nasa Grimoire ni Astria." Pangunguna ko.
Nagbago ang ekspresyon ng babaeng kasama ko sa narinig.
"Pero hindi pumayag ang mga magulang ko sa ideya na iyon. Ang paniniwala nila ay hindi tayo pwedeng gumamit ng spell na hindi naman sa atin o walang pahintulot ng may-ari."
Mariin akong napakagat sa ibabang labi ko. Unti-unting sumara ng mahigpit ang kamao ko habang inaalala ang mga pangyayari noon.
"Ofcourse, because of that, they removed both of my parents in the council."
"Wala namang problema sa amin yon nung una. Nanatiling payapa ang buhay namin. Not until when they came."
"Just a week after my parents were removed in the council, they came in this city. The 12 disciples of Astria."
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Xena sa sinabi ko. Tila hindi niya inaasahan na kasama sila sa kwento ko.
"Pumunta sila rito para ibahagi ang mga kagustuhan ni Astria at ligpitin ang mga hindi sasangayon." Sambit ko.
"Hindi ko alam kung coincidence lang ba. Pero ang unang bahay na pinuntahan nila ay walang iba kundi ang amin." Dagdag ko.
Muling napunta ang tingin ko sa langit. Tila naging manhid ang buo kong katawan.
"Hindi nagbago ang desisyon ng mga magulang ko at nanatili ang paniniwala nila. And because of that, they were both executed here in the capital to serve as a warning to those who doesn't want to support Astria." Walang kaemo emosyong sambit ko.
"Wala akong nagawa nun. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Basta tumakbo lang ako ng tumakbo paalis sa bayan para hindi nila ko makita." Pilit na natatawang sambit ko.
"That's why I really hate weaklings and witches that's just full of talks. Because they reminded me of me when I was young. f**k being a noble. I couldn't even save my parents." Giit ko.
Napunta ang tingin ko sa mga kamay ko at parang nawawasak ang puso ko sa sobrang sakit.
"I hate myself for being weak. I hate the council for turning a blind eye. I hate the disciples for killing my parents. And I hate my parents for leaving me all alone." Walang ganang sambit ko.
"Pero ang pinakakinasusuklaman ko sa kanilang lahat ay si Astria." Dagdag ko.
"For making that stupid Grimoire. Why did she made that for? For the salvation of the world? Or destruction?" Natatawang sambit ko.
Hindi ko na alam ang mararamdaman ko. Kung inis, awa, o galit.
Sigurado akong naguguluhan na rin sa akin si Xena. Bigla na lamang ang nagkwento sa kanya.
Hindi ko rin alam kung anong meron sa akin at bakit ko naisipang magkwento sa kanya. Pero hindi ko maitatangging gumaan ang loob ko nang maglabas ako ng emosyon sa kanya.
Tila ba parang iba kapag siya ang kausap ko.
Hinihintay ko ang magiging sagot o reaksyon sa akin ni Xena.
Kung tatawanan ba ko nito. Maawa. O makikiramay sa akin.
I mean, sa itsura niya ay para siyang isang witch na hindi alam kung paano magpakita ng emosyon-
Nawala ang pagiisip ko nang makaramdam ako ng maiinit na katawan sa likod ko. Unti unting yumakap sa akin si Xena. Ni hindi man lang ako makagalaw sa pwesto ko sa bigla.
"I've read it in books before. That hugs transfers energy and gives a person an emotion lift. I may not know how sad you are right now. But I hope this makes you feel better."
•••