10. Summoning

1432 Words
Xena Natapos ang unang subject namin na paggawa ng potions. Mabuti na lang at nakaabot kaming dalawa ni Tana sa klase. Mula rin nang magsimula ang unang klase ay nanatiling nasa akin ang mga tingin ni Zairah. Hindi ko alam kung nanadya ba siya o ano. Naiilang ako sa mga tingin niya. "Mukhang kayo ata ang pinakaswerteng batch ng apprentices." Biglaang sambit ni Miss Glinda. Napunta ang lahat ng tingin at atensyon namin sa kaniya. "There's a great witch right now in Mageía High. Ang balita ko ay magbibigay siya ng oras ngayong araw sa mga apprentinces at siya ang magtuturo ng summoning sa inyo." Muling sambit ng guro namin. "Aeros is here. One of the members of the council and a one the powerful witches." Dagdag niya. Kani-kaniyang reaksyon ang mga kaklase ko. Pare-pareho silang natuwa sa narinig. Pero ang pinaka napansin ko sa lahat ay ang naging reaksyon ni Zairah. I once heard from Tana that she's a student of that witch called Aeros. Bakit mukhang hindi siya masaya? Matapos lumabas ni Miss Glinda ay nagsilabasan na rin kaming mga estudyante.  Pinapapunta kami sa open grounds kung nasaan naghihintay sa amin si Aeros. "Wah! Hindi ko inaasahan na makikilala ko si Aeros dito!" Masiglang sambit ni Tana. Bakas sa mukha nito ang pagkaexcite ngunit mabilis din itong naglaho. "S-Sa tingin mo kaya Xena. Masama rin kaya si Aeros?" Biglaang sambit niya. Hindi kaagad ako nakasagot dito. Matapos kong sabihin kay Tana ang plano ko ay hindi ko inaasahan na mananatili pa rin ito sa tabi ko.  Labis niyang tiningala ang council lalo na ang librong ginawa ni Astria. Kaya hindi niya lubos maisip na may bahong tinatago ang council. "Sigurado akong hindi lahat ng nasa council ay may bahong itinatago." Pagpapagaan ko sa loob ng babaeng kasama ko. Muling lumiwanag ang ekspresyon ni Tana at nagpatuloy kami sa paglalakad. Hindi nagtagal ay nakarating kami sa open field at sumalubong sa amin ang isang matandang lalaki. He looks like he's on his mid 50's.  "Goodmorning apprentices. Its nice to meet the future witches of this nation." Nakangiting sambit ng lalaki. "I'm Aeros. And I'll teach you the spell in summoning." Dagdag nito. Napunta ang tingin niya sa mga estuyante at napako ang tingin nito sa isa. "Miss Trefilia, would you mind helping me demonstrate?" Nakangiting sambit ni Aeros kay Zairah. Bakas sa mukha ni Zairah na ayaw nito pero pumunta pa rin ito sa harapan. "Dahil isa ka ng tría at estudyante ko, maari mo bang ipakita sa kanila ang tamang paraan ng pagsummon?" Muling sambit ni Aeros. Napunta kay Zairah ang lahat ng atensyon at tingin namin. Napaismid si Zairah bago itutok ang kamay sa lupa.  "Se kaleí dasikí alepoú!" Sambit niya. Lumabas ang malaking bilog sa lupa at ang iba't ibang simbolo. Kasunod nito ay ang paglabas ng isang puting fox na may dalawang buntot. Nagsipalpakan ang mga kaklase ko na hindi maitago ang pagkahanga. Oh? A forest fox spirit huh? "Ang mga na-susummon ng isang witch ay ang mga spirits ng mga tagabantay ng iba't ibang elements." Pagpapaliwanag ni Aeros. "Ang sinummon ni Zairah ay isang wind spirit, a forest fox." Dagdag nito. Lumapit sa aming mga estudyante si Aeros at naglakad sa mga harapan namin. "Malaki ang maitutulong ng mga spirits sa witches lalo na't sa paggamit ng mga spells. Kaya nitong doblehin ang lakas ng spell na gamit mo."  Huminto ito sa gitna naming lahat at pinagmasdan kaming lahat. "I want you to pair yourselves based on your roommate. Gusto kong magtulungan kayo sa pag-summon."  Nagsilapitan ang mga kaklase kong magkakaroommate. Lumapit din sa akin si Lei na roommate ko. Nagsimula na kaming magpractice ng pag-summoning. Habang nag-uumpisa si Lei ay napunta ang tingin ko kay Tana at sa partner nito. Wala silang ginagawa at nakatayo lang. Mukang paiyak na si Tana habang nakatunganga.  "Sir." Pagtaas ko ng kamay. Napunta ang tingin sa akin ni Aeros at ni Zairah na kasama nito. "Is it okay to change partners?" Marahang tanong ko. Lumapit ako kay Tana at kay Raze. "I think its better for her to be with my partner." Dagdag ko. Tumaas ang kanang kilay ni Zairah sa sinabi ko. Habang walang ganang napatingin sa akin si Raze. "I don't mind. As long as you can summon a spirit." Sagot ni Aeros. Kumurba ang labi ko sa sinabi nito at napunta ang tingin ko kay Lei. "I'm sorry. Pwede bang ikaw na ang bahala sa kaniya?"  Kahit nabigla sa pangyayari si Lei ay nagawa nitong tumango sa akin. "S-Sure." Nagsimula akong lumapit kay Raze nang hawakan ni Tana ang braso ko.  "X-Xena, sorry." Naiiyak na sambit niya. Napasinghap ako sa itsura nito. "Why are you apologizing? And for pete's sake, stop crying." Giit ko. Mabilis na pinunasan ni Tana ang luha niya. "T-Thank you."  Isang tango at ngiti ang sinagot ko rito at tuluyan na akong lumapit kay Raze. Wala itong paki na nagpalit ang parter niya at walang gana pa rin itong nakatayo. "Wtf are you doing." Seryosong sambit ko sa lalaking kaharap ko. Walang kaemo-emosyon ako nitong tinapunan ng tingin. "Oh, its miss goody two shoes." Walang ganang sambit ni Raze. Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. D-Did he just called me a goody two shoes? "This is just a waste of time." Dagdag niya. Napaismid ako sa sinabi ng lalaking kaharap ko pero hindi ko pinahalata ang pagkairita ko sa kaniya. Ganito ang klaseng tao na hindi ko kayang matiis. "Oh? Why? Mister good for nothing?" Pang-aasar ko. Nakuha ko ang atensyon ni Raze sa sinabi ko. Iritado itong napatingin sa akin. "What did you just said, Miss goody two shoes?"  "I said, why? Mister good for nothing?"  Bakas sa mukha ni Raze ang pagkainis. "Sinusubukan mo ba ako?" Iritadong sambit niya. Kumurba ang labi ko sa sinabi nito. "Ay, ganun ba ang epekto ng sinabi ko sa'yo? Pero parang ganun na nga. Ayaw mong mag-summon dahil hindi mo kaya hindi ba?" Napaismid sa sinabi ko si Raze at itinapat ang kamay nito sa lupa.  "Se kaleí fotiá tígri!" Sambit niya. Lumabas ang bilog at ang mga simbolo sa lupa. Kasunod nito ay ang paglabas ng tigreng pinalilibutan ng apoy. A tiger spirit huh? Lahat ng mga kaklase namin ay napunta ang tingin sa amin. Kumurba ang labi ni Raze sa ginawa niya. "Sinong hindi marunong?" Nakangising sambit nito. Hindi ko maitatangging magaling nga ang ginawa niya. He summoned a fire tiger spirit. Kumpara sa ginawa ni Zairah na isang Rank B spell ay isang rank A ang ginawa ni Raze. "Puro salita ka na lang? Miss goody two shoes?" Muling sambit ng lalaking kaharap ko. Napaismid ako sa sinabi nito at itinutok ko ang kamay ko sa lupa.  "Se kaleí drákos fotiás." Sambit ko. Lumabas ang bilog sa lupa at ang mga simbolo. Kasunod nito ay ang pagsulpot ng isang wyrm fire dragon spirit. A kind of dragon that has no wings. Napaawang ang mga bibig ng mga kaklase ko sa ginawa ko. Maski si Aeros ay nakuha rin namin ang atensyon. Doon ako natauhan sa ginawa ko. Wala akong balak na gumamit ng Rank S na spell. Masyado akong nadala ng pagkainis ko sa lalaking kasama ko. Imbis na mairita sa ginawa ko si Raze ay kumurba ang labi nito. Nabigla ako nang lapitan ako nito at inilahad ang kamay niya sa akin. "Looks like you're not just all talk like other witches, Miss goody two shoes." Nakangising sambit ni Raze. Kumurba rin ang labi ko sa sinabi nito at kinamayan siya pabalik.  "You're not also bad at all, Mister good for nothing."  Hindi ko inaasahan na magkakasundo kami ni Raze matapos magpakitang gilas sa isa't isa. I guess there really are friendships that started as enemies. "I really don't like those kind of witches that's just full of talks." Biglaang sambit ni Raze. Nakaupo kami ngayon sa d**o habang pinapanood ang mga kaklase naming nagpapatuloy pa rin sa pag-summon. "Hindi nila alam ang totoong kahalagan ng pag-aaral ng mahika. Nandito lamang sila para magpakitang gilas at mapansin ng mga noble o council." Seryosong sambit nito. Hindi kaagad ako nakareact sa sinabi niya. We have the same perspective. "That's why I want to get stronger. I don't have time for weaklings." Muling sambit ng lalaking katabi ko. "That's why you went here in Mageía High?" Marahang tanong ko. Hinintay ko ang magiging sagot ni Raze. Akala ko ay magkakasundo na kami. Pero agad naglaho ang pananaw kong iyon nang sagutin nito ang tanong ko. "Me? Nah. I'm here to find the Grimoire of Astria." •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD