Xena
Natigilan ako sa sinabi ni Tana. Bakas ang paglabigla sa mukha ko.
Roommate niya yung lalaking yon?
"Tsk, ni hindi man lang siya sumasagot kapag kinakausap ko siya." Pagreklamo ng babaeng kaharap ko.
Napasinghap ako at tawa na lamang ang naisagot ko kay Tana. Mas pinorpoblema niya pa ung roommate niya kase sa klase.
Speaking of.
"Tana. Alam mo ba ang mga subject natin?" Pag-iiba ko.
Nakuha ko ang atensyon ni Tana at napunta ang tingin nito sa akin.
"Hm, alam ko iba ang mga subject natin kada araw eh. Sa pagkakaalala ko ang una nating subject ay,"
Nag-isip nang matagal si Tana bago maalala kung ano ang subject.
"Ah tama! History!" Sagot nito.
Nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko. Habang kumakain si Tana ng agahan ay hindi mawala sa isip ko ang unang subject namin.
History huh?
I'm not really a fond of that topic. Lalo na't tinuturo lang naman nila ang mga nakasulat sa libro na walang katunayan na nangyari talaga.
Nanatili kaming kumakain ni Tana nang tumunog ang malaking kampana sa pinakatuktok ng kastilyo.
Nagsitaranta ang mga witches na nasa Dining Hall.
Mabilis silang tumigil sa pagkain at pinagkukuha ang mga gamit nila at kumaripas ng takbo papalabas.
"C-Crap. Simula na ata ng klase." Biglaang sambit ni Tana.
Nagkatinginan kami nito at mabilis naming naintindihan ang gustong ipahiwatig ng isa't isa.
Mabilis din kaming tumigil sa pagkain at umalis sa Dining hall.
"X-Xena. S-Saan ung classroom?" Pag-iiba ng babaeng kasama ko.
Natauhan ako sa sinabi niya at natigilan ako sa pagtakbo. Hindi ko rin alam kung saan kami papunta.
Napasabunot na lamang sa sarili niya si Tana nang mapagtanto nitong hindi ko rin alam kung nasaan ang classroom.
B-Bakit kasi ang laki ng school na ito?
"Inutil! Mga inutil!" Rinig naming sambit ng kung sino.
Parehong napunta ang tingin namin ni Tana sa katapat naming painting.
Napaawang ang bibig namin nang makita itong nagsasalita at tinatawanan kami.
"Gusto niyong matuto ng mahika? Eh mga mukha kayong mangmang!" Natatawang sambit ng lalaki sa painting sa amin.
Nagpatuloy itong asarin kami nang biglang nagtama ang tingin namin at natigilan ito sa pagtawa.
"H-Ha?" Pagtatakang sambit ng lalaki sa painting nang makita ako.
"P-Paanong-"
"Nasaan ang silid para sa unang klase ng mga apprentice?" Pagsingit ko.
Hindi na nagawang ituloy ng lalaki sa painting ang sasabihin niya nang magsalita ako. Mabilis itong natauhan at tinuro ang isang pasilyo.
"K-Kapag kumanan kayo ay makikita niyo ang pintuang kulay asul. Nandun ang klase ni Madam Glinda. Ang guro sa kasaysayan." Sagot sa amin ng lalaki.
"Wah! Thank you!" Pagsasalamat ni Tana at mabilis na tumakbo sa pasilyong tinuro sa amin ng lalaki sa painting.
Bago ako sumunod ay tinapunan ko muna ng tingin ang painting.
Tila nagbago ang ekspresyon nito nang matalim ko itong tignan.
"Xena tara na!" Tawag sa akin ni Tana.
Natauhan ako nang tawagin ako nito at hindi nako nagpahintay pa ng matagal at agad nakong sumunod sa kanya.
Mabilis kaming pumunta sa pintuan na tinuro sa amin ng lalaki sa painting. Pumasok kami sa asul na pinto at bumungad sa amin ang iilang estudyante sa loob.
There are some familiar faces that I remembered. Mga nakasabay namin ni Tana kahapon sa pagpasok.
Nandito na rin ung Zairah at Raze. Pati na rin ang roommate kong hindi ko alam kung paano nagising.
Nakahinga ng maluwag si Tana nang makitang wala pa ang magiging guro namin. Pumwesto kami sa bakanteng upuan at naghintay na magsimula ang klase.
Ilang segundo lamang ang lumipas nang makapasok kami ni Tana ay muling bumukas ang pinto at bumungad sa amin ang isang babae.
A woman with a long black hair entered the room. Hindi maipagkakailala ang napakagandang kutis nito at pigura ng katawan. She doesn't look like a freaking teacher.
Inilibot nito ang tingin niya nang makapasok siya sa silid.
"Welcome to Mageía High witches. I'm Miss Glinda, your teacher in History." Pagpapakilala ng babae sa amin.
Naglakad ito sa pisara sa likod niya at may sinulat na kung ano.
"Its important for witches to study high ranking spells. Pero importante ring may kaalaman kayo sa kasaysayan natin." Pangunguna ni Miss Glinda.
Natapos ang sinusulat nito at doon namin nakita ang mga salitang sinulat niya.
"The origin." Mahinang basa ko sa nakasulat.
"Ipapahiwatig ko sa inyo ang kaalaman ko sa kasaysayan." Muling sambit ni Miss Glinda.
"éla se ména." Dagdag niya.
Nabigla kami nang may mga librong nagsilutangan sa isang bookshelf at isa isang nagsipuntahan sa harapan namin.
"Page 327." Walang ganang sambit ng guro namin.
Kusang bumukas ang mga libro sa pahinang binanggit niya.
Hindi makapaniwala ang mga kasama ko sa nangyari. Hindi ko rin mapigilang mapahanga. Hindi lahat ay nakakagamit ng ganong spell sa maraming libro. Kadalasan ay dadalawa lamang o tatlo.
Pero nagawa niyang papuntahin ang mga libro sa lahat ng estudyanteng nandito ng sabay-sabay.
"900 years ago nang unang matuto ang mga ninuno natin ng mahika. Doon sila nagsimulang bumuo ng mga spells." Panimula ni Miss Glinda.
"At nanatiling nag-evolve ang mga spells na iyon hanggang ngayon."
Nanatiling nasa libro ang mga tingin namin. May mga larawan na nakalagay rito at mga descriptions. Mayroon ring mga impormasyon tungkol sa mga mahika.
"Maraming naitulong sa atin ang mga mahika. Pero ang pinakamalaking dulot nito sa atin ay ang paglaban sa mga nilalang na kasama natin dito sa mundo."
"Werewolves, trolls, grocks, goblins. Iilan lamang iyon sa mga nilalang na ikakapahamak natin."
Lumipat ang sumunod na pahina at agad na napako ang tingin ko sa isang larawan na nalagay rito.
"Nanatili ang walang tigil na paglaban natin sa iba't ibang nilalang. Not until 36 years ago."
"When the council found the sacred book that contains the Cipher spells. The Grimoire of Astria."
Hindi mawala ang tingin ko sa libro kung nasaan nakalagay ang larawan ng grimoire na tinutukoy ng guro namin. The Grimoire of Astria.
Ang librong hinahanap ko.
"Dahil sa mga spells na gawa ni Astria ay hindi na natin kinaylangan pang mabuhay sa takot dahil sa ma nilalang na kasama natin." Pagpapaliwanag ni Miss Glinda.
"Naging magkakasundo ang magkakaibang nilalang at ang mga tao. Hindi na natin kailangan pang maglaban-laban." Dagdag niya.
Natigilan sa pagtuturo si Miss Glinda nang biglang may nagtaas ng kamay sa isa sa mga kaklase ko. The girl with a bad attitude. Zairah.
"But miss, is Astria still alive? Hindi ba 36 years ago pa nakita ang Grimoire niya? At base rin sa mga impormasyon sa libro ay kakaiba ang mga spells ni Astria. Para bang ilang daang taon na itong sinulat." Marahang tanong ni Zairah.
Pare-parehong nakuha ng sinabi nito ang mga atensyon ng kaklase ko. Napunta ang mga tingin nila sa guro namin at hintay ang sagot nito.
"It is true na sinabing parang ilang daan taon ng sinulat ang mga spells sa Grimoire. Pero imposibleng mangyari yon." Sagot sa amin ni Miss Glinda.
Kumunot ang mga noo ng mga kaklase ko sa sinagot niya.
"Unang una sa lahat. Pinagaralan mabuti ang Grimoire. Base sa mga eksperto ay hindi pa tumatagal ng 20 years ang libro nang makita nila ito. Kaya imposibleng isinulat ito noong ilang daan taon ng nakalipas." Pangunguna ng guro namin.
"Sunod, wala pang nakakapagsabi kung buhay o totoo nga ba talaga si Astria. Dahil ang tanging ang Grimoire lamang ang nagsisilbing ebidensya na nageexist siya." Dagdag niya.
"So are you saying that Astria is just a legend?" Giit ni Zairah.
Umiling si Miss Glinda sa sinabi nito. "No, what I'm just saying is, wala pang nakakakita sa kanya. Tanging sa libro lamang nanggaling ang pangalan na Astria."
"At isa pa, kung may patunay mang buhay siya. She must be over a hundred years old now."
•••