Tana
Sapilitan akong pinasama ni Xena papunta sa Northern border ng Bernice. Sa likod ng border na ito ay ang howling woods, ang pugad ng mga lobo.
"L-Let's just go back Xena. Isang subject lang naman iyon. Pwede pa tayong bumawi." Sambit ko sa babaeng kasama ko.
Pilit akong tumawa para makumbinse ko si Xena ngunit hindi man lang ako nito pinansin. Bagkus ay dere-deretso itong lumabas sa border at pumasok sa howling woods.
Nang makatawid siya sa border ay mabilis niya rin akong hinila papasok sa loob ng gubat.
Naramdaman ko ang panginginig ng mga tuhod ko at pakiramdam ko ay hindi ko na kayang tumayo pa ng tuwid o maglakad lang man.
N-Nasa loob nako ng howling woods. H-Hindi nako makakalabas ng buhay.
"Stop it Tana." Suway sa akin ni Xena nang makita nitong walang tigil sa panginginig ang mga kamay ko.
Sinubukan kong sundin siya pero kahit anong gawin ko ay hindi ko magawang maihinto ang panginginig ng mga kamay ko.
Alam kong sinabi sa akin ni Xena na magtiwala ako sa kaniya pero hindi ko mapigilang kabahan.
Kahapon ko pa lang nakikilala si Xena. Tama ba na ipagkatiwala ko na ang buhay ko sa kaniya?-
Mabilis kong iniling ang ulo ko upang mawala ang mga pagdadalawang isip sa utak ko.
She told me that I could trust her. So I will. Isa pa, para sa aming dalawa ang pinunta namin dito. Hindi pwedeng iasa ko lang kay Xena ang pagkuha ng Mullein herb.
Nanatili akong nakasunod kay Xena habang papunta kami sa gitna ng gubat. Unti-unting nagdidilim ang paligid at hindi ko na magawang makita pa ang pinanggalingan namin.
Nararamdaman ko na ang unti-unting pagsikip ng dibdib ko. Napahawak ako sa braso ni Xena at mas lumapit pa r4ito.
Kabaliktaran ko ay walang bakas ng takot sa mukha ni Xena.
It really makes me wonder. Bakit ba walang takot sa mga creatures si Xena? Bagkus ay malapit pa ang loob niya sa mga ito.
Pati na rin ang mga spells na ginagamit niya ay hindi basta-basta. Ang tanging sinabi niya lamang sa akin ay natutunan niya lamang iyon sa naging teacher niya.
If she have a teacher, then does that mean that she's also a noble like Zairah and Leirus?
Pero bakit hindi ko siya kilala? I mean, kung isa nga siyang anak ng kilalang tao ay dapat lang na kilala ko siya dahil isang magaling na witch si Mama at marami siyang koneksyon.
Just who is she anyway?
Tila napatingin sa akin si Xena nang sabunutan ko ang sarili ko dahil sa kakaisip. Balak sanang magsalita nito nang pareho kaming natigilan nang makarinig kami ng alulong.
Humigpit ang pagkakahawak ko sa braso ni Xena. Tila nanginginig ng sobra ang katawan ko at pakiramdam ko ay kahit anong oras ay maiiyak ako.
Ilang segundo pa lang ang lumipas nang makarinig kami ng alulong ay napansin na namin ni Xena ang pagsidatingan ng mga lobo. Nagsimula na itong paikutan kami.
Mas lalo kong inisiksik ang sarili ko sa tabi ni Xena.
Para akong maiihi sa skirt ko nang sunod-sunod na sumugod sa amin ang mga lobo.
Tanging pagpikit na lamang ang nagawa ko.
Hinintay kong makaramdam ako ng sakit ng katawan ngunit wala akong naramdaman. Agad akong nagtaka at dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko.
Nang minulat ko ang mga mata ko ay unti-unting umawang ang bibig ko.
Tila nagsitigilan ang mga lobo sa pag-atake sa amin at nakatingin sila sa babaeng kasama ko.
Ilang segundo ang tumagal at nagsimula silang magsiyuko upang magbigay galang kay Xena.
Kinusot ko maigi ang mga mata ko upang malaman kung totoo ba ang mga nakikita ko.
T-The wolves. The wolves are bowing down to Xena.
Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Before I knew it, I've found myself in a back of a wolf together with Xena.
Tila nakasakay kami rito at dinala kami sa kung saan. "W-Wth did just happened?" Hindi makapaniwalang sambit ko.
Hindi ako sinagot ni Xena bagkus ay nanatili itong pinagmamasdan ang paligid.
Dinala kami ng mga lobo sa isang camp. Kung saan ang iilan sa kanila ay nasa anyong tao.
"I can't hardly believe it. You actually came back." Bungad sa amin ng isang lalaki at kinamayan nito ang babaeng kasama ko.
Tila kumunot ang noo ko sa sinabi nito at napaawang ang bibig ko. W-Wth is happening.
Pinapasok kami sa isang cabin. Nanatili lamang akong tahimik at nakasunod kay Xena.
"Pasensya na sa mga inakto ng mga kasama ko kanina. As their Alpha, ako na ang humihingi ng tawad." Pangunguna ng lalaking nagdala sa amin sa loob.
"I'm Marcus." Pagpapakilala ng lalaki. Lumapit ito kay Xena at nilahad ang kamay niya.
"I'm Xena." Sagot ng babaeng kasama ko at kinamayan pabalik ang lalaking kaharap namin.
For a moment, I saw Marcus' expression changed. Ngunit hindi niya ito pinahalata.
"O-Oh. How about your friend?" Sambit ni Marcus at napunta ang tingin nito sa akin.
Agad akong nataranta at mabilis na tumayo. "I-I'm Tristana sir! You can call me Tana!" Balisang pagpapakilala ko.
Narinig ko ang pagtawa nilang dalawa sa inakto ko. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko sa hiya.
"You can stay here for the night. Mahirap na at hindi lang kaming pack nandito. Ipapahanap ko lang sa mga kasama ko ang kailangan niyo rito." Pag-iiba ni Marcus.
Pareho kaming nagpasalamat ni Xena sa sinabi niya. Hindi pa rin ako makapaniwala na nagagawa kong makipagusap sa isang lobo. Not to mention na alpha pa ito.
"What are you doing here in the Northern forest?" Biglaang sambit ni Xena.
Tila nagbago ang tensyon sa silid sa sinabi ng babaeng kasama ko. Nagbago ang mga ekspresyon ng mga lobo sa loob ng cabin pati na rin ang kay Marcus.
Umiwas ng tingin at yumuko si Marcus sa sinabi ni Xena.
"W-We have no choice. The humans were to scared of us. Pinaalis nila kami sa mga tirahan namin kahit wala kaming ginagawa."
Para akong binuhusan nang malamig na tubig sa sinabi nito. Wala akong kaalam-alam sa dahilan kung bakit nandito sila.
To be honest ay hindi man lang sumagi sa isip ko ang posibleng dahilan. Mula pagkabata ay tinatak na sa mga isipan namin na walang halaga ang mga ibang nilalang sa amin.
Tanging mga tao lamang ang mas nakakahigit at tinuturing silang mga halimaw sa lipunan. Grocks, wolves, elves, and other creatures.
"We didn't meant to fight but we have no choice. Mga witches ang humarap sa amin. Pero sa dulo ay wala kaming nagawa. Iba na ang mga witches ngayon at dumarami ang mga bilang ng mga énas o one." Muling sambit ni Marcus.
"Gusto nilang walang mga halimaw at ibang nilalang sa lipunan nila. Gusto nilang malinis ito at walang pagala-galang aso katulad namin." Dagdag niya.
"They used some spells from the Grimoire of Astria huh?" Pagsingit ni Xena.
Nakuha ng sinabi nito ang atensyon ko. Dahan-dahang tumango si Marcus sa sinabi niya.
Naguguluhan ako. B-Bakit nadamay ang Grimoire ni Astria rito? At bakit masyadong masama ang tingin nila sa mga witch?
"X-Xena-" Pagsingit ko.
Natigilan ako nang seryosong humarap at tumingin sa akin si Xena.
"I'm sorry Tana. But the council is not as good as you think." Seryosong sambit ng babaeng kasama ko.
"That's why I'm here to stop them. And my first step is to destroy the Grimoire of Astria."
•••