" Saan tayo pupunta?" nagtataka niyang sambit nang dumating sila sa isang puwerto . Bumaba sila at iginiya siya ni Jade sa tapat ng isang di kalakihang yacht. Alas cinco na ng umaga nang nakarating sila sa port. Hindi na nila napansin ang oras noong tumambay sila sa gilid ng kalsada. nakailang rounds pa sila sa loob ng kotse. Napakadali lamang ng oras at naabutan na sila ng liwanag sa kalsada. " Pasensya ka na. Ang pinakamalaki ang dapat kong rentahan pero hindi raw available kasi kahapon lang ako tumawag." " Jade , ang tanong ko? Saan tayo pupunta? Atsaka, dadalhin mo naman pala ako rito ba't sa kotse pa tayo nag-ano kanina." Sa halip na sagutin siya ay pilyong ngiti lamang ang isinukli nito sa kanya. " On an island Sofia.I want to take you back to a different island to spend our

