Natulugan na ni Azie ang pag-iyak. Walang ginawa si Uncle kundi ang umupo ulit at muling pagmasdan ang batang may luha pa sa pisngi. Nakita niyang napapailing si Uncle Jade habang nakatingin kay Azie. "Tsssk, do I look so old Sofia?" tanong nito sa kan'ya. Ang mamang niya ay humiga na sa bakanteng kama sa di kalayuan. Kung pagod siya ay mas pagod ang mamang niya sa pagbantay at pag-aalala sa apo nito. "Ha? Nabigla lang po ang bata Uncle. Kayo naman po, dahan dahanin n'yo naman sana ang pag reveal sa bata, tingnan niyo tuloy ang reaksyon niya." wika niya kay Uncle. "Don't call me Uncle starting today okay? Tawagin mo'kong Jade maliwanag ba? Ayaw kong may angkol o ano, basta Jade na lang!" utos nito sa kan'ya. "Ayaw na nga sa'kin ng anak ko, tapos ang nanay niya tatawagan pa'kong angkol!

