Nakatulala siya habang nakatingin sa kawalan habang nakaupo sa veranda ng mansion ni Jade. Araw-araw ay naiisip pa rin niya ito. Isang linggo na ang lumipas simula nang umalis siya sa hospital.Ang kambal ay maagang umalis papunta sa school ng mga ito. Dahil sa kalungkutan ay halos ayaw niyang makipag-usap kahit na kanino. Umaasa pa rin siya na darating ang araw ay uuwi si jade katulad ng araw-araw nitong pag-uwi sa kan'ya. " Sof, kumain ka na muna. Hindi ka pa raw nag-aalmusal, alas nueve na ng umaga.Ikaw naman, alagaaan mo naman ang sarili mo. Ang mga bata, nariyan at hinihintay kang kausapin at makalaro sila." ani Hades. May dala itong plato ng kanin na may halong sabaw. " Hades, hanapin natin siya ulit please!" hinawakan niya ang palad nito at nagkatinginan naman sila. Nakita niya an

