Nakakalunod ang pagtitig ni Uncle sa kan'yang mga mata nang mabuwal siya sa ibabaw nito. Pakiramdam niya sa oras na iyon ay naririnig rin nito ang malakas na pintig ng puso niya. Nakita niya na muli itong napalunok nang makita ang bahagyang pag-awang ng kan'yang labi. Hindi nagtagal ay siya naman ang napatitig sa mala rosas nitong mga labi.Mamasa masa iyon dahil kanina ay nakita niya ang marihin na pagkagat ni Uncle sa labi nito. Bigla ay naitanong niya sa sarili kung kumusta na kaya ang lasa ng labi nito?Biglang pumasok sa isip niya kung paano sila maghalikan, kung ano ang sensasyong hatid ng bawat halik ni Angkol sa kan'ya. "Please don't deny baby, you miss me so much more than I do!" wika nito sa kan'ya na nakayakap pa rin sa kanyang katawan. Hindi pa man siya sumagot ay bigla na ito

