Wala si Uncle nang gumising siya kinabukasan. Hinahanap ito ni Azie dahil pinangako nitong ipapasyal ang bata ngayon. "Anak si mama na lang ang kasama mo sa pamamasyal ah?" Magtataxi na lamang sila. May pera namang naiwan si Uncle Jade sa kan'ya. Gagamitin naman niya iyon para sa anak nila kaya itutuloy na niya ang planong pasyal na sinabi ni Uncle Jade sa bata. Bumaba sila ni Azie upang mag-almusal. May nilutong sabaw ang kusinera ng mansion kaya naman ganadong kumain si Azie. Siya naman ay walang ganang kumain, simula pa kahapon ay tila nawalan siya kaagad ng gana lalo na sa pagkain. "Hello, mukhang nakagayak 'ata kayo ah? Saan ang punta ninyo pogi?" bungad ni Hades sa kanila ni Azie nang bumaba na ito. "Sa park po." tipid na sambit ng anak niya. "Talaga? Pwede ba' kong sumama?"

