Isyra Serein Rexford’s point of view… Nagising nalang ako dahil sa sinag ng araw na tuma tama sa mukha ko, kaya naman bumangon na ako dahil masakit na sa balat ang sinag ng araw. Pagka bangon ko ay agad kong kinuha ang cellphone ko dahil may plano ako ngayong araw. Agad kong tinawagan si Morvella dahil siya sng balak kong kitain ngayong araw. “Yes who’s this?” Sanbit niya agad pagka sagot niya nang tawag ko. “Morvella,” banggit ko sa pangalan niya. Sa pagka banggit ko sa pangalan niya at bahagyang natahimik ang kabilang linya. Hanggang sa ma rinig ko ang malalim niyang pag buntong hininga. “What do you want, Isy?” Kaswal na tanong niya sa akin. Napa taas naman ako nang kilay because she is unusually calm today, ni hindi siya nagalit kasi tinawagan ko siya, and I wonder why.

