CHAPTER 39 KIANNA SOFIA "Ma'am, dumating na po 'yung wedding pictures niyo." Natigil ako sa pagluluto nang magsalita ang kasamabahay namin. "O, sige. Papasukin niyo po." Naghugas ako ng kamay nang makaalis na si Yaya Toyang. Pumunta ako sa sala at hinarap ang nagdala ng wedding photos namin. Tumayo ito at ngumiti. "Magandang tanghali po, Misis." "Magandang tanghali rin. Yaya Toyang, ipagtimpla niyo ng juice ang bisita natin." "Naku, Ma'am, huwag na po. I won't stay too long. Pinababalik rin po ako agad ni boss." Sabi ng babae. Kinuha nito ang malaking hugis rectangle na bagay at nakabalot iyon sa mga papel. Inabot niya iyon sa akin at tinanggap ko naman agad. Sinira ko ang papel para makita ang litrato na nakalagay sa frame. Napangiti ako nang bumungad sa akin ang nakangiti kong mu

