Magkahawak kamay silang pumasok ni Renzo sa bahay nila. Hindi nila inaasahan na makikita nila si James sa bahay nila ng mga oras na iyon. Napansin agad niya ang isang malaking supot na puro pagkaen na naman. Naalala niya ang grocery store na pinuntahan nila kanina, kaya pala ito nandoon ay para bilhan naman siya nito ng pasalubong. May pinong kirot sa kanyang puso ang kanyang naramdaman dahil sa kaalamang iyon. Nakasakit siya ng damdamin ng iba, iyon pa naman ang pinakaayaw niyang nagagawa sa buhay niya, ang makapanakit ng tao, lalo na ang damdamin. Agad na nagtama ang kanilang mga mata at pagkatapos ay bumaba ang mga mata nito sa mga kamay nila ni Renzo na magkahawak. Pati ang kanyang mga magulang ay nagkatingin ng mapansin ang isa niyang kamay na hawak ni Renzo.

