"Hello mommy..." Napangiti siya nang makita niya ang kulay-asul nitong mga mata. Those blue eyes... Tinaas niya ang kanyang kilay. "Oh? Ba't mommy na naman ang tawag mo sa'kin? Kala ko ba, wifey mo ako?" Sumimangot ito sakanya tsaka umayos ng upo. Yes, wifey at hubby talaga ang tawagan nilang dalawa. Matured na kasing mag-isip ang kanyang anak. "Kumusta work? I mean--school?" Nakangiting tanong niya dito ngunit agad iyong naglaho nang marinig niya ang paghikbi nito. "Mom, they bullied me again..." Tsaka nito pinakita ang sugat nito sa may leeg. "My classmates tried to strangle me, pinagtulungan po nila ako." Sabi nito tsaka yumuko. Kitang-kita niya pa ang paglandas ng mga luha nito. "Let's get out of here mom please..." Humihikbing pakiusap nito sa kanya. "Jaze..." "P-please mom..

