NIEL: PALAKAD-LAKAD AKO dito sa sala na may hawak na beer. Hindi ako dalawin ng antok kahit anong gawin ko. Pasado alauna na ng madaling araw pero heto at gising na gising pa rin ang diwa ko. Isang linggo na lang at darating na si Shayne ng bansa. Lalo akong napa-praning habang papalapit nang papalapit ang araw ng kaarawan ng anak nito lalo na't may duda akong.....anak ko ang anak nito. "Nat?" napapihit ako sa likuran ko ng bumukas ang pinto at niluwal nun si Bhelle na mukhang kagagaling sa labas. Napasulyap ako sa wristwatch ko na madaling araw na. Napailing akong hindi ko na lamang ito pinansin. Kita namang galing na naman siya sa club sa suot at tindig pa lang nito na halos hindi makatayo ng diretso. Napaka-revealing din ng suot nitong sleeveless red dress na lantad ang dibdib at h

