FRIAH'S POV: "Go find someone else In letting you go, I'm loving myself You got a problem But don't come asking me for help 'Cause you know..." Sa kaka-kanta ko, hindi ko na napansing nasunog na ang piniprito kong porkchop. Naku, lagot na! Dali-dali ko iyong hinango, mabuti na lang at hindi pa gaanong sunog. Saktong paglagay ko ng pinirito ko ay dumating na si Kuya Aidan. "Nagluto ka?" Namilog pa ang mga mata niya habang nakatingin sa mga hinain ko. "Wow!" Sambit niya, habang tinatanggal ang suot niyang suit. Kaagad ko naman tinakbo at kinuha iyon sa kan'ya. Agad naman siyang umupo sa hapag-kainan at inabot ko naman ang kanin at ulam sa kan'ya. Wow, wifey lang ang peg? "Upo ka na din, kumain na tayo." Kaagad ko naman sinunod ang utos niya, habang inaantay ang reaction niya s

