Chapter 48

1264 Words

Isabella's POV NILAPAG ko ang niluto kong spicy adobo sa ibabaw ng dining table. Tuwang-tuwa si Iris dahil isa ito sa mga favorite niyang luto ko, lalo na noong nandoon pa kami sa America. "Adobo! Adobo!" masaya pa niyang sabi. Dumating naman si Gun makalipas lang ang ilang minuto. Natigilan ito nang maabutan kami sa kitchen habang kumakain. "Can I join you?" Nginitian ko siya. "Of course. Kanina ka pa nga namin hinihintay." Nakangiti niya akong nilapitan. "Thank you, mahal." Naupo siya sa tabi ni Iris. Naupo naman ako sa kaliwa ng anak namin, napapagitnaan namin ito. "Saan ka nga pala pumunta? Wala ka na paggising ko." "Uhm, diyan lang. May inasikaso." Parang umiiwas itong binaling ang atensyon kay Iris. "Sa susunod, punta tayo ng amusement park, sweetheart. Gusto mo ba iyon?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD