Gun's POV ILANG ulit akong humakbang paatras mula kay Tera. Hindi ako makapaniwala habang nakatitig sa nakangiti nitong mukha. "Buhay ka?" "Oo." Umarko ang mga kilay niya. "Paano? I saw your dead body. I felt it." "Sa palagay mo, sino ang tumulong sa iyo para mahanap ang mga ebidensyang magpapakulong sa ama mong si Senyor Ariel? My sister? No, Gun. Ako ang nagsabi sa kaniya na sabihin sa iyo kung saan nakatago ang mga ebidensya!" Matagal akong natigilan sa sinabi niya. Mula sa mukha nito, bumaba ang paningin ko sa kaniyang leeg. Naroon pa rin ang bakas nang nangyaring pagbibigti nito noon. "What's happening in here! Where's our sister!" Tumayo si Darius at galit na lumapit sa amin. Bigla kong nilapitan si Tera at mahigpit na hinawakan sa magkabilang braso. "Anong ginawa mo sa kaniy

