Gun's POV PINUNTAHAN ko si Isabella sa hotel na tinutukoy nito, pero wala na siya roon. Kinausap ko na ang receptionist sa lobby at ipinakita ang larawan niya, pero hindi raw nakapag-check-in doon si Isabella. "Dammit! She lied!" Halos mabaliw ako sa kakaisip kung nasaan siya. Inisa-isa ko nang pinuntahan ang mga club sa Manila habang tinatawagan ito, pero parehong wala. "f**k! f**k it!" Nasabunutan ko ang buhok ko habang nasa loob ako ng aking sasakyan. Natigilan ako bigla nang maisip ang private beach na pag-aari niya. I immediately drove my car to Tagaytay while still trying to reach her. "Isabella, answer my f*****g call! Goddammit!" Pagdating ko sa beach, nasa gate pa lang ako ay nakabukas na agad ito at may kotseng nakaparada sa loob. Umibis ako ng sasakyan at walang pakialam

