“Oh? Ba’t ka nakatulala r’yan?” ani Sergio ngunit hindi ko siya pinansin. Nag-breakfast kami ngayon, weekend kaya pahinga. Late na kami nagising kaya kaming dalawa na lang ang nag-aalmusal. Dito pa namin naisipang kumain sa hardin. “Silvina?” “Ano ba, nag-iisip ako,” reklamo ko dahil ang ingay-ingay niya. Hanggang ngayon hindi ko pa rin mapigilan ang nararamdaman ko, bumibilis na lang ang pagtibok ng puso ko kapag naaalala ang halik na ‘yon. Tila lahat ng pangarap ko para sa ‘king sarili ay naglaho dahil lang sa halik na ‘yon, nakakainis! Bakit si Luiz pa? Sa dinami-daming nangyari, iyon talaga ang tumatak sa isipan ko. Para ngang ayoko pang matapos ang gabing ‘yon dahil sobrang saya. First kiss ko pa naman ‘yon sa taong gusto ko. Inamin ko na rin naman sa ‘king sarili na gusto k

