“Time’s up!” Nang sumenyas ang guro na itaas na ang mga papel ay tinaas ko na ‘to. Kaagad siyang lumapit sa akin para kunin ang papel ko. “Very good, Silvina!” aniya nang i-check ang sagot ko, nakahinga naman ako nang maluwag dahil sa sinabi niya. “Bakit hindi niyo gayahin si Silvina? Palaging perfect,” dagdag niya matapos kolektahin ang mga papel. Tumingin na lamang ako sa labas ng bintana nang magsimula na silang magbangayan. “Palagi namang si Silvina,” sabi ng isa. “Daming alam, eh ‘no?” “Palaging bida kaya naging bida-bida,” sabi pa ng isa. Natgtawanan naman ang lahat. Paniguradong iyon na ang itatawag nila sa akin. “At bakit? Siya ang role model kaya dapat na gayahin niyo siya!” maski si ma’am ay nakisabay imbis na patigilin sila “Gan’yan naman kayo, favoritism. Kung sino

