Vincent’s POV “Emerald!” tinawag ko na siya nang mamukhaan siya. Napatingin na siya sa ‘kin, napaawang na lang ang labi ko sa gulat nang makitang umiiyak na siya. Nagmadali na akong lumapit sa kanya at umupo sa harapan niya para makapantay siya. Nang hindi siya umangal, niyakap ko na siya ng mahigpit. “Luiz,” pagbanggit niya rin ng pangalan ko. Muli siyang umiyak sa balikat ko, sapat na siguro ‘to para maramdaman niyang kahit kailan hindi siya nag-iisa, nandito ako para sa kanya kahit na nahuli na naman ako. “I’m sorry, Emerald. Hindi na sana kita hinaayan sa babaeng ‘yon,” sambit ko habang hinahaplos na ang likod niya. “I’m sorry,” patuloy kong sabi. “Did she hurt you?” dagdag ko nang hindi siya sumagot. Naramdaman ko na lang ang pag-iling niya. “Sinabi niya sa’min na—” hindi ko

