Beki 03 : Be My Baby

4222 Words
BEKI, BE MY BABY 03 : Be My Baby Dorothy P.O.V BAKLA si Franco? Hindi talaga ako makapaniwala. Hanggang sa sasakyan tulala parin ako, nang makita ko si Nicholas este Nicole sa botika kaya napalapit ako sa kaniya. "Ay p*ke! Kakagulat ka naman!" bungad niya noong para akong si sadako na bastang lumapit sa gilid niya. "Beshy..." Napabuntong hininga ako. "Oh, ano?" tanong niya. "Bakla siya..." Turan ko. "Sino?" tanong niya muli. "Si Franco, my love so sweet." Huhuhu... umiiyak na ako. "Sinabi ko naman sayo e, ano ka ngayon?" "Beshy!" "Oh, ano ulit?" "Bilihan mo ako ng mga vitamins saka kahit anong gamot basta mapagaling ko lang ang future asawa ko." Saad ko. "Ate pabili ako gamot!" pagbaling ko sa botika. Nang bigla akong dinagukan ni Nicole nang malakas. "Ah! Aray, aray naman. Grabe ka bakla!" "Gaga ka kasi. Ano 'yun sipon na puwedeng bilihan ng gamot para gumaling?" "Ah basta!" inis ko. "Gumising ka na, Dorothy! Bakla si Franco, at ang bakla hindi pumapatol sa babae." "Huhuhu... Beshy, ano gagawin ko niyan ay?" "Lumayo ka na, and have a good life!" "Ay? huhuhu waaaaa.... ATE PABILI AKO NG GaMOT!" Dinagukan niya muli ako. "Hay'an! Nang magising ka!" "Nakakarami kana bakla, ang gusto ko lang support mo naman ako." "Paano? E, bakla nga! Bakla!" "Waaaaaah!!!" "Ay, bahala ka nga diyan." Iniwan ako ni Nicole. Paano niyan ngayon si Franco lang ang gusto ko! Inayos ko ang sarili ko at saka tumayo nang nakataas ang noo, hinawi ko pa ang buhok ko at sinabi ko sa sarili ko na kahit ano mangyari alam ko may paraan na maging lalake siya dahil walang pinanganak na agad na nalalaman kung ano ang gender niya at ipapamukha ko sa kaniya na isa siyang lalake. At magkakagusto siya sa akin. Dahil ikaw parin ang bebe ko ang bebe ko palagi kang nasa puso' t isip ko. Ipangangako kong ikaw lang at wala ng iba, Franco. Mula noon hanggang ngayon, mula ngayon hanggang dulo... Ikaw at ako! --- LUMIPAS ang mga araw parati ko nang nakakasama si Franco but sad to say ay palagi niya rin kasama 'yung lalake noong minsan sa mall na si Layos. Like eww! Ang panget mo mas bagay kami ni Franco. Tinatawag pa si Baby Franco nitong Layos na Francess. Francese talaga? Anyway lumipas ang ilang araw din ay naging third wheel lang ako sa kanila. Parating itsapwera pagkasama niya 'yung lalake mabuti nalang may time na naiisip parin ako ni Frances ay Franco pala kapag nagsi-CR iyong unggoy na iyon. Nakakainis kasi na lalakeng iyan bigwasan ko iyan e. Eh, halata namang niloloko niya lang ang future wife ko kaya buong maghapon na magkakasama kami ay nakasimangot at galit na galit ako. At ayaw ko rin maiwan si Franco. Hindi ko naman kasi matiis si Franco kapag nginitian na niya ako automatic nang tumitibok ang pempem ko ay puso ko pala. Bastos ko naman. Pero mas malandi pa pala sa akin itong si Franco. Francess kong Francess ang gusto niyang pagkatao. Shempreee! Hindi naman ako makakapayag doon masisira ang family tree namin e. Nakakapag- isip na nga ako ng pangalan nang magiging supling namin tapos papayagan ko na bumigay nalang siya. Panahong nangangailan naman si Franco nang model para sa ginaganap na fashion show sa course nila nang iwan siya ng mga kaibigan niyang plastik sa ere. Nakita ko kung gaano kalungkot si Franco. Parang gusto ko siya i-hug tapos hahalikan ko siya tapos hihiga kami sa kama. Ay! Behave mo muna pala dapat si ako. Relax ka lang, my beautiful self. Gagawin ko ang lahat para tulungan siya, kaya nagpaalam ako umalis sa kanya atsaka ako bumalik sa classroom ko para humingi ng tulong para maging model sila. Madami kasing magagandang babae sa class namin pero maaarte. Kaya matinding pakikipagkasundo ang ginawa ko. Para narin akong nakipagkasundo sa mga empakta ng henerasyon. "Okay, pero ikaw ang gagawa ng assignment, project at bibili ng mga foods namin." Tugon nila sa request ko sa kanila. "Oo na, oo na, basta halina kayo sumunod kayo sa akin." Kaya mula sa mag-isa na pag-alis ko ay umentrada ako sa mga mata ni Franco na maraming model na kasama. Laking tuwa niya at napapaiyak pa nga siya, nang yakapin niya ako ng sobrang higpit. Ang sarap naman. "You save my life but now you save me again, thank you very much for your help friend ko." Niyakap niya muli ako sabay naging busy na siya. "O, sige na magsipag-kilos na tayo kailangan na natin mag-ayos." Utos niya saka naman nagmadali ang mga kababaihan na maupo para ma-make-up-an, madamitan, at ayusan ang buhok nila. "Friend, we have a problem! Kinulang tayo ng model." Saad niya noong nagmamadali siyang lumapit sa akin after niya lumabas para sumilip sa labas ng event at mag-tanong sa nago-organize. "Huh! Kulang pa? Patay wala na ako mahahanap." Sabi ko. Tumingin siya sa akin atsaka ngumiti. "Ikaw nalang friend ko!" "Ah? Ako?! Seryoso ka?" Hinawakan niya ako sa magkabilaang balikat. "Friend maganda ka, hindi ka lang nag-aayos." "Talaga?" hindi ko siguradong tanong. "Sobrang ganda mo actually!" Ang laki nang ngiti sa aking mga labi noong marinig ko iyon mula sa bibig niya at sa guwapo niyang mukha. Sa totoo lang kahit sabihin na nating gay siya pero napakalakas ng charm at appeal niya as a guy. Kahit sino mahuhulog kapag nakatitigan si Franco habang pinupuri ka niya. Para tuloy siyang isang prinsepe namay crown sa ulo na gusto kong halikan dahil sa mga sinabi niya. Nasa back stage na kami nang dumating na naman iyong lalake na panira sa lahat nang gusto kong eksena nalang dapat namin ni Franco. "Hi, Layos!" Nabu-buwesit talaga ako nang i-kiss niya pa si Franco sa pisngi, ako lang dapat ang puwedeng gagaw niyon e. Nilapitan ako nang lalake. "Oy! Ikaw pala iyan, ilang semento ginamit mo? Ang ganda mo pala kapag may formaline." Natawa pa ito. "Gusto mo sapakin kita?" taas kong kilay na sagot sa kanya. Napatawa naman si Franco. "Huwag mo nga inaasar ang savior ko." Ayieee! Kinilig na naman ako sa sinabi niya. Ikaw lang Franco kung ako nalang sana ang iyong minahal. --- NATAPOS ang araw na iyon na hindi ko magiging sukat akalain na maaaring ikasira ng pagiging sobrang close namin ni Franco. After kasi nito ay pinuntahan ako noong lalake na umaaligid sa kaniya tapos saka niya ako binigyan ng bulaklak. "Hindi ko alam na maganda karin pala." Saad nito. Pini-flirt ba ako nito? Aba siraulo ang lalake na ito ah! "Tarantado ka ba?!" salita ko noong bigla niyang hinawakan ang kamay ko nang halikan niya iyon. Malakas ko siyang sinipa, noong makita pala ni Franco ang ginawa ng lalake. "Ano ito? Dorothy. Layos." "Baby, ayang kaibigan mo kasi e, inaakit ba naman ako kasi sabi niya may gusto siya sa akin." Aba gago to ah! Saan niya nakuha ang kuwento na iyon? "Hoy tumigil ka diyan kadiri ka nga paano kita magugustuhan?" "Aminin mo na, kaya ka umaaligid sa amin dahil may gusto ka sa akin! Iyan ang sinabi mo sa akin kanina." Ang sama na nang tingin ni Franco. "Pinagsasabe mo!" "Kaya pala kapag may date kami, hindi ka papayag na hindi ka sumama dahil binabantayan mo kami?!" tumingin sa akin si Franco na naluluha dahil sa tingin niya ay nagsisinungaling ako at totoo ang sinasabi ng g*gong lalakeng ito. Hindi ko masisisi si Franco naging obsessive ako sa kaniya nitong mga nakaraan at malamang na-missunderstand niya iyon. "Tama iyon, baby!" turan ng lalake. "Tumigil ka!" inis ni Franco. "Pinagkatiwalaan kita, Dorothy. Traydor!" Umiiyak si Franco na umalis. At iyon ang huli na pagkikita namin. Kung alam mo lang Franco na ikaw lang ang gusto ko ni- hindi man lang niya ako binigyan nang pagkakataon na makapag paliwanag. Nang lumipas ang mga araw ay hindi na niya ako pinapansin, parati siyang nag- iisa na gusto ko sana lumapit kaso bigla siyang umaalis namay masamang tingin kapag nakikita ako. May minsan I try to confront him. "Franco, hayaan mo naman ako magsabi ng totoo!" "Anong totoo? Ang totoo na kinaibigan mo lang ako para agawan?!" Hindi ako makasagot at hindi ko masabi ang totoo dahil baka kapag sinabi ko ay mas lumayo siya sa akin. Isang gabi noon isang aksidente ang nangyari kay Franco para ikawala niya. Hinanap siya ng lahat ngunit hindi matagpuan-tagpuan. Ngunit hindi nila alam na nasa pangangalaga ko siya. Noong gabing iyon ay sumusunod ako sa kanya nang sagasaan siya nang isang van, at malaking injury ang kaniyang tinamo. Duguan ang ulo at nasa panganib ang buhay na dinala ko siya sa ICU binasag ko pa ang pinag-ipunan ko papuntang Russia kapag naka-graduate ako para lang agad siyang ma-operahan. Iyak ako nang iyak noon. Nakaligtas siya sa awa ng diyos at matapos iyon ay gumising siya sa mahabang pagkakatulog, ngunit hindi siya makaalala nang kahit ano mang pangyayari ni-hindi niya rin alam kung sino siya. "Sino ba ako?" tanong niya noong makita ko na nalilito siya. "Ikaw si Franco." "Kaano-ano ba kita?" "Fiancee mo ako." Shutekk! Bakit ko nasabi iyon? Hindi ko na mababawi ang nasabi ko Dinagukan ko nalang ang sarili ko at pinanindigan na fiancee ko siya. Dahil noong sinabi ko iyon ay nagkaroon siya ng pag asa na palakasin ang loob niya. Bumuo ako ng mga kuwento na hindi talaga nangyari, ang totoo lang ay 'yung una naming pagkikita at pagsasama. "Ganoon kita kamahal?" tanong niya pa namay ngiti, noong i-kuwento ko ang pagiging sweet niya sa akin pero bilang kaibigan lang sa totoo. "Oo Franco!" niyakap ko siya pero tila nilalamon ako ng konsensiya ko. Iniuwi ko siya sa bahay nang ikuwento ko lahat kay Nicholas na nagka- amnesia siya at nasabi kong fiancee ko ang pagpapakilala kong pagkatao niya. Hinila niya ako malayo kay Franco. "Ano nanaman bang kagagahan iyan, Dorothy!?" galit na galit niyang turan sa akin. "Hindi ko na alam ang gagawin ko e." "Hanggang kailan mo paninindigan iyan?" "Hindi ko alam." Napayuko ako. "Ay ewan ko sa iyo, Dorothy. Bahala ka mag- explain diyan kapag bumalik na ang alaala niyan." Napatango-tango ako. "Oo. Alam ko gagawin ko talaga ang bagay na iyan." Bumalik ako kay Franco saka ko siya tinulungan na ihatid sa magiging kuwarto niya. "Sino nga pala iyon mahal ko?" Natutuwa ako na iyon ang tawag niya sa akin kaya kahit na pagsisinungaling lang ay sobrang saya ng feeling ko. "Ah, wala si Nicholas iyon." "Ah!" "Bakit nagseselos ka?" "Hindi naman pero kasi lalake siya." Natawa ako sa sinabi niya. "Ah, ano lalake ba kamo? E, bakla iyon e!" "Bakla?" May pagtatanong sa mga mata niya. "Hayaan mo na, basta magkaibigan lang kami." Pagdating sa kuwarto nagtataka siya at nagsasabi na bakit siya nakahiwalay sa akin kung talagang mag-fiancee kami? Walang katapusan na pagpapaliwanag. Panay pagsisinungaling. Lubog na lubog na ako sa patong patong na kasinungaling binubuo ko sa utak ni Franco para lang iligtas ang sarili ko at maging masaya sa selfish na kagustuhan ko na itrato niya ako bilang fiancee. Pero hindi naman nagtagal ay mas nagkamabutihan kami. Patuloy akong pumapasok sa unibersidad, ngunit siya ay hindi ko pinayagan. Hindi ko mawari sa sarili ko. Natatakot ba ako na pag naka- alala siya ay magagalit siyang muli sa akin tapos lalayo siya, ngayon pang puro pag sisinungaling ang ginawa ko? Hindi ko alam. Pero sa likod nito ay pagiging sweet at sobrang bait naman na Franco ang nakasama ko. Pag-uwi ko mula sa SCU ay nakaabang siya kaagad. At may minsan na galing naman ako sa pagluluto nang dinner namin, ay agad ba naman akong niyakap ni Franco nang sobrang higpit. "Hoy grabe ka naman ginulat mo ako." "Wala agad ko lang nami-miss ang mahal ko." "Miss agad? Palagi naman tayo magkasama." Sabe ko, actually magta-tatlong linggo na nang lumabas kami sa hospital at dinala ko siya dito sa bahay. "Siyempre!" tugon naman niya sabay halik sa likod ko. Ngunit hindi maaalis sa isip ko na niloloko ko lang siya. Pero sobrang sweet at guwapo talaga ni Franco para hindi mahulog ang loob ko sa kaniya ng tuluyan. Kaya minsan nakakalimutan ko na may amnesia lang siya. Humarap ako sa kaniya. "Tigilan mo na iyan baka makita tayo ni Nicholas o Nicole." Kahiy papaano dahil sa nakatira kami sa tatlong bubong ay nape-prevent ko si Franco sa mga bagay na ganito. Gusto niyang makipag-love making. "Ano bang pake niya." Tinignan ko siya na parang sinasabi na hindi talaga puwede. "Bakit ayaw mo? Simula noong magising ako parang ayaw mo naman na yata sa akin? Fiancee ba talaga kita?" Napabuntong hininga ako. "Iyong kaibigan mo ba, kasi nahihiya ka?" tanong niya noong bigla ako mapatingin sa kaniya. "Oh 'di doon tayo sa kuwarto ko." Hinampas ko siya sa braso. "Siraulo ka friend." Natatawa ko na sabi. "Friend? Huh! Dorothy, anong friend?" May araw talaga na bigla bigla nalang akong nadudulas sa mga kapusukan ko. Sa kabilang banda nasobrahan yata ang operation new life ko kay Franco naging masyado naman siyang ma- flirt. Hindi ko sinabi sa kaniya kung ano ang tunay niyang s****l dahil kinain ko na at paninindigan ang plano ko na gawin siyang lalake sa loob niya. Natuto na akong mag- ayos nang dahil sa kaniya. Para ako lang din ang magustuhan niya. Nagpapaka-selfish na ako nang sobra sobra. Siyempre ito lang akong tanga, nagmahal lang kay Franco. --- LUMIPAS pa ang ilaw araw may isang beses noong nagulat nalang ako noong buhatin ako ni Franco pagkatapos ko maghugas ng mga pinggan. Gabi na iyon at sa pagkakaalam ko ay pumasok na siya sa kuwarto niya para makapagpahinga pero lumabas muli siya and he did this, nang pilit ko siyang hinahampas para ibaba ako. "1 months na tayong magkasama pero napapansin kong wala paring nangyayari." "Ah, e." Hindi ako makapagsalita saka lang niya ako ipinagpatuloy na buhatin at inihagis sa kama. Gumulong- gulong naman ako at muntik nang mauntog, mabuti nalang ay nasalo niya ako nang mabilis noong dali-dali siyang tumabi sa akin. Binatukan ko siya. "Grabe ka!" inis ko, nakita ko naman na parang na-upset yata siya sa ginawa ko noong tumayo muli siya sa higaan saka siya tumalikod. Napaangat din ako sa sarili ko noong maupo ako sa kama at humingi ng sorry sa kaniya. "I see, kaya siguro ayaw mo ako katabi at parati kang umiiwas sa ganito. Siguro ayaw mo lang talaga sa akin. May nagawa ba akong kasalanan sa iyo dati noong may alaala pa ako?" Hindi ko naman aasahan na maiisip niya ito. But I said 'none' to him. Wala, wala siyang nagawang kasalanan. Kung meron man siguro ako iyon. Sobrang laki ng kasalanan ko sa kaniya. "Ano naman kasalanan mo sa akin?" tanong niya naman sabay harap na niya sa akin saka lamang ako napaduko at natahimik. Nang tila pagtaas ko naman ng tingin ay magugulat nalang ako noong parang hinuhubad na niya 'yung suot niyang damit, kaya mabilis ako na tumayo at lumapit sa kaniya para pigilan siya gawin iyon. "Hoy! Bakit ka naghuhubad?" sinisita ko pa siya. "Ba-baligtad 'yung su-ot?" nauutal naman siya, nang saka lamang mag sync sa utak ko na baligtad ang t-shirt niya. So I was a bit embarrassed because of what happened while helping him take off his clothes to make him wear it properly. "Kailan ka pa lumaki ng paurong para hindi malaman ang pagsusuot ng tama sa pagdadamit?" biro ko kay Franco habang natatawa saka ko lamang napagtanto, na ang tahimik niya at nakatingin nalang siya sa akin. At sumunod na nangyari ay bigla niya akong sinunggaban ng halik na hindi manlang ako nakapalag, sinubukan ko na umalis noon nang gawin niya iyon. Sobrang flirt naman ni Franco. Pero nagustuhan ko 'yung haplos ng labi niya at halik. Hindi ko na ngalang namamalayan nakapikit na ako. Mukhang siya na talaga ang nakatakdang tatay ng magiging anak ko. Yieeee! Mabilis kong hinubad 'yung damit ni Franco. Sh*t 'yung abs niya talaga. Dahan-dahan siyang lumalapit sa akin hanggang sa mapaatras kami papunta sa higaan, nang simulan niya muli ako halikan sa labi. Sa performance na ginagawa ni Franco, hindi mo iisipin na gay siya but instead a playboy. Ang mga dampi ng palad niya, nakakakuryente ang galaw niya, alam niya rin manghuli ng kiliti ng babae at desire nito. Katuwa ko talaga that moment kaso biglaang... "Ate pabili pong yelo!" Buwesit! "Sarado!" sigaw ko. "Ah, Sarado. Kailan magbubukas?" "Sarado nga!" "Ah, Sarado? Bibili sana ako yelo. Sarado pala." Nakakainis nginitian nalang ako ni Franco. "Pagbentahan mo na." Sambit niya. Kainis naman talaga e. Bumaba ako saka pinagbentahan 'yung bumibili ng yelo na iisa lang naman pala. Like Wtf! Sa iisang yelo lang? Buwesit! Parang isang panaginip para maging sobrang saya namin nang ganito. --- NGUNIT lahat ng mga bagay ay may limitasyon at expiration. Napapansin ko lately na panay p*******t ng ulo ni Franco at it's seems like may mga kaibigan si Franco mula sa ibang bansa na pinaghahanap siya. Wala ng pamilya si Franco ngunit mga kaibigan mula sa ibang bansa meron. Nalulungkot lang ako na baka mamaya bumalik na pala ang alaala ni Franco nang hindi ko nalalaman at baka magalit siya sa mga ginawa ko sa kaniya. At ang kinakatakot ko ay nangyari nga... "Dorothy ano ito? Sino ba talaga ako? Talaga bang mag- fiancee tayo?" Hindi ako nakasagot at mukhang sa mga mukha ko palang ay nabasa na niya ang mga katanungan niya. "Ako si Franco Griezelle, may mga taong naghahanap sa akin pero itinago mo ako? Pinaniwala mo ba akong fiancee kita? Sino ka?! Anong klaseng tao ka! Sinungaling!" Galing sa SCU ay nakita kong napanood ni Franco ang mga kaibigan niya mula sa TV at pinanawagan kung nasaan siya. Wala akong nasabi kun'di sorry. Pagkatapos pumunta siya sa kuwarto niya para kuhanin 'yung mga gamit niya at umalis. Sinubukan ko siyang pigilan pero kitang-kita ko sa mga mata niya kung gaano siya sobrang nagagalit parang 'yung Franco na minsang nagalit sa akin dahil sa asungot na lalakeng iyon. Mukhang noong umalis siya ay hinanap niya 'yung mga taong naghahanap sa kaniya, at dito sinabi sa kaniya ang tunay niyang pagkatao. Naging sobrang sama ng imahe ko sa SCU Pinagsasabihan nila akong opportunista at kidnapper o abducter. Dapat daw sa akin pinapakulong o nabubulok sa kulungan. Pinilit ko na tanggapin ang mga masasamang iniisip nila sa akin at sinasabi dahil deserve ko naman iyon. Pero tao lang ako nasasaktan din. Opportunista na kung iyon ang iniisip nila. Ginusto ko lang naman si Franco e. Ang kaso sa maling paraan para lokohin ko siya. Pumapasok na siya sa course niya at pilit kong dumi-distansiya mula sa kanya at takot na ipakita ang aking mukha. Madalas ko muli siya nakikita na mag-isa sa dati niyang tamabayan. Mukhang pinagamot siya ng mga kaibigan niya, kaya ngayon ay bumalik ang kaniyang mga alaala. Aish, muli na namang nasira ang family tree sa dream ko. Siguro nga hanggang dream lang ako at sobrang labo na maging kami ni Franco. Bumalik narin siya sa tunay niyang sexuality at tinatawag na siya muli ngayong Francess. Medyo masakit. Masiyado akong humanga sa kaniya at pinangarap siya para ngayon ako ay tuluyan na niyang kinamumuhian. Naaalala ko 'yung mga masasaya naming araw. Iyong inakala niya pa na lalake talaga siya at fiancee ko siya. Sobrang hot niya talaga noon sexy baby. Hays. Ay nakalimutan ko may responsibilidad pa pala ako sa mga kaklase ko, naaalala niyo 'yung tungkol sa model event at ito na ang huli ko. The end na ba? Opppsssie! Hindi pa, dahil dito muli kaming nagkita ni Franco sa malapit na convenience store sa SCU. Natakot ako nang mapatingin ako sa mga mata niya na napatitig akin kaya mabilis akong tumakbo na hindi ko alam naiwan ko pala ang mga pagkain ng kaklase ko sa store. "Nasaan na pagkain namin?" galit na galit sila ngayon. "Pasensiya na." "Anong pasensiya?" "Paghingi ng patawad ay tanga lang?" Nanlaki 'yung mga mata nila. Atsaka nila ako pinagsasabunutan. "So.. ipinagmamalaki mo na bright ka sa amin ah? Bright ka?" "Bitiwan niyo nga siya!" Tama ba ang nakikita ko ngayon? Si ... Franco. "Nandito 'yung mga pagkain ninyo patawarin niyo na siya, naiwan lang niya sa convenience store pero alam niyo bang iniisip niya parin kayo at ang lifestyle niyo kapag nagpapabili kayo sa kaniya?" "E, kailangan naman talaga niya gawin iyon e!" "Alam ko dahil noong fashion show event?" Mukhang nakakaalala na talaga siya napayuko tuloy ako at nahiya sa kaniya. "Ikaw po pala 'yung sa designer. Pasensya na po." "What? Hindi dapat kayo humingi ng tawad sa akin dapat sa kaniya." Bigla ko nalang naramdaman nang akbayan ako ni Franco. "Franco?" I mean 'yung fake fiancee na Franco naramdaman ko 'yung presensya niya noong ginawa niya iyon. "Pasensya na, Dorothy. Patawarin mo kami." "Okay lang iyon." "Sige.. kakakausapin ko pa siya." Bigla akong hinila ni Franco papalabas sa room. Sumunod naman ako at mukhang sumunod din yata 'yung mga chismosa kong kamag- aral. "Hey, Friend!" "Friend?" I mean ni Franco, friend na ulit kami? Ngumiti ako, nang dagukan niya ako. "Hindi ka pa rin nagbabago." Anong nangyari kay Franco? Bakit hindi siya nagagalit sa akin? "Pinapatawad mo na ba ako?" pagkakataon na hindi ko pinalagpas na tanungin. "Bakit kita papatawarin nagpanggap ka na fiancee ko, right? No way!" Uhuuuuu... Sorry na talaga Franco. "Sorry na!" Umiiyak na ako sa harapan niya nang pilit niya ako pinatatahan saka niya ako biglaang niyakap. "Sorry talaga Franco." "Ano ba matitiis ko ba naman ang fiancee ko kuno?" "Uwuuu, sorry." "Naalala ko na ikaw ang nagdala sa akin sa hospital, alam mo ba kung saan ako papunta noon?" "Sa jowa mo?" "Gaga sa 'yo! Hindi ko matiis na hindi kita makita kaya naman balak ko sana pumunta sa inyo kaso itong rumarampa na bus. Kaloka! Banggain ba naman ako. Kaya pinapatawad na kita matagal na. Ang totoo niyan e, oo nagalit ako because of what happen noon pero napag-isip isip ko na never mo magagawa iyong traydorin ako." Natuwa ako sa narinig ko. "E, doon sa nagpanggap ako na fiancee mo at inangkin kita?" Ngumiti siya. "Nagalit din ako doon pero naisip ko din na never ako hindi nakaranas na hindi masaya sa piling mo. Nang makatira ako kasama ka, sobrang saya lang ang nararamdaman ng puso ko. Kadugyutan ko bes kaloka nilandi kita noon? Yuck! Ew! Kasuka!" "Grabe ka naman." Napaduko ako. "Pero seryoso na, simula nang mangyari sa atin iyon binuhay mo yata ang dugong mandirigma ko. Tapos habang tumatagal na hindi kita nakakasama nami-miss kita." "Naalala mo si Franco na ginawa mong lalake? Nandito parin pala siya sa puso ko. Kung paano ka niya kagusto lagi nakakasama ay ganoon ang pakiramdam ko. At hindi ko maaalis naman sa isip ko ang masasayang araw natin. Wala ka namang ginawang masama sa akin. Inalagaan mo pa nga ako. Nakapagsinungaling ka din pero natawa ako sa mga ginawa mong kuwento. Seriously teleserye base talaga? Natutuwa din ako sa memories na iyon." "Ano ang ibig mong sabihin Franco?" "Gaga ka! Siguro nagka-gusto na ako sa iyo." Dinagukan niya pa ako. "Talaga?" napangiti pa ako. "Oo nga?! Siraulo kang babae ka ginawa mo akong nagugustuhan ang isang tahong. Kapag tumingin ako sa lalake ikaw at 'yung nangyari noon ang naaalala ko, buwesit ka! Puro ka ka-dugyutan. Grabe, ang landi ko noon." So ano nga, nagugustuhan niya ba ako talaga? "Hinalikan talaga kita noon?" pagtatanong niya. Bumulong pa ako sa kaniya. "Muntik mo pa nga akong ikama." "Ay! Oo nga? Gaga ka talaga, Dorothy. Ang lalandi natin noon tapos may bumiling yelo. HAHA!" "Sorry na, hindi mo lang kasi alam kung gaano kita kagusto." Sawakas nakapag tapat ako sa kaniya. Niyakap niya ako. "Nakakadiri mang sabihin at baka kainin ako ng lupa o kaya tamaan ng bulalakaw sa umaga ngayon pero bakit hindi natin subukan?" "Huh?" napakunot noo ako. "Hindi mo pa naman pinagpapalit ang fiancee mo diba?" Natawa ako sa tanong niya. "Hayss. Ikaw lang talaga walang iba, my bebe Franco!" tugon ko. "Oh, di tayo na?" tanong niya. "Tayo na?" pag-uulit ko. "Oo, tayo na nga ayaw mo?" "Ay gusto ko." "Gusto mo yown?" "Gustong gusto ko yown!" "Oh, ayan na ako yayakapin na kita. Basta huwag mo muna ulit gagawin 'yung bagay na iyon getting to know each other mo muna." Paalala niya, nang matawa naman ako. "E, ikaw lang baka kasi sunggaban mo na naman ako." Saad ko. Kinaltok niya ako sa ulo. "Dugyot mo!" Pagkakasambit niya noon ay laking gulat niya nqng halikan ko siya tapos nagpumiglas pa siya nang agad ko na inalis ang mga labi ko. Gulat na gulat siya, kaya naman natulala siya nang tumalikod na ako mula sa kaniya. "Ah, Franco? Papasok na ako." "Saan ka pupunta?" salita niya nang sunggaban niya ako ng halik niya saka niya hinawakan ang dalawang kamay ko. Tsss.... tignan nyo! siya talaga 'yung halatang hindi makakapag- pigil. Beki, from now own. Please be my baby. "AYYYIEEE!!!" sigawan ng mga chismosang ito. Pero totoo ba talaga na puwedeng mangyayari na mababago ko ang saloobin ng isang tao? Malay natin hindi ba? Sa ngayon buo na ulit ang family tree ko. Sobrang hot at guwapo talaga ng Franco my loves so sweet ko. Ilan kayang anak namin? mga twelve kaya? Chour. Wala namang masama kung kami ang nagkatuluyan. Masama 'yung itatago nalang ang feelings niya sa isang tao. Tapos kapag huli na ang lahat e, pagsisisihan mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD