BEKI, BE MY BABY
01 : My Destiny
Dorothy P.O.V
SABI ng iba one out of billion of people. May isang tao daw na nakatadhana para sa iyo. I mean para sa ating lahat. Kaya naman noong makilala ko si Franco Griezelle ay sinabi ko na sa sarili ko na siya na nga talaga ang lalake para sa akin. Ang destiny ko.
Ako nga pala si Dorothy Hervaje at ito ang kuwento ko kung paano ko nakilala ang pinaka hot na Oppa sa University namin.
THAT DAY...
Enrollment kasi iyon nang siyempre ako itong si excited kasi panibagong life na naman para sa akin ito bilang studyante. College student na kasi ako pero height ko pang- Grade 6.
Noong araw din na iyon ay pinabayaan ako ng beshie kong si Nicholas ay Nicole pala. Yes! Isa siyang mamshie na kaibigan ko at ipinagpalit niya ang best friend niya para sa isang lalake.
Huwag na tayo magpaka- hipokreta, isa din naman ako sa marupok kaya naman tumingin-tingin din ako ng lalakeng guwapo sa enrollment tapos kunwari tatabi ako para magtanong. Research purposes. Chour.
Pero sa dinami-dami ay isa lang ang nagpatibok ng puso ko at nag- stand out sa mga poging lalaking hinunting ko, nag-entrance siya na parang celebrity tapos nakasalamin pa talaga. Literal na mukhang celebrity.
In that moment naramdaman ko ang sinasabi nilang tagpo na kapag nakilala mo na siya. Ang the one ay parang slow motion siyang naglalakad sa mga mata mo at siya at siya lang ang tanging lalake na makikita mo. Itsapwera na 'yung iba. Bahala sila diyan!
Ganoon na ganoon ang naramdaman ko.
Kilala niyo si Edward Cullen ng Twilight? Yep! Kamukhang- kamukha niya at kasing kulay niya sa kakinisan at kaputian tapos kasing hot niya din.
Oh my gash! Ikakalma ko nga ang self ko.
Ay hindi bukas nalang. Shuta! I wab you!
Kaya simula nang araw na iyon ay tinatak ko na mula sa isip ko na ang lalakeng iyan ang magiging ama ng mga anak ko.
Ayieee! Napasabunot pa ako sa buhok ko, kaya noong umuwi ako ay agad ko iyon ni-kuwento kay Nicole tapos sinabunutan niya din ako sinampal pa at pinamukha sa akin na hindi lahat ng gusto ko makukuha ko.
Bakit ako? Bakit parang kasalanan ko? Oh diba Bea Alonso.
Sinampal niya muli ako.
"Nakakadami ka na, shuta ka!"
"Ang dalawang Mrs Real ni Maricel Soriano."
Aba! Naipasok pa niya iyon? Sinabunutan ko nga. Sabi ko naman 'Ika-6 na utos ni Georgia.'
Dinagukan niya ako.
"Aray aray!"
"Gaga ka, Ryzza iyon!"
"Sinong Ryzza?"
"Ryzza Mae Dizon."
"Gaga!"
"Shuta!"
Atsaka kami nagtawanan pero gustong-gusto ko talaga makilala ang lalakeng iyon. Sino kaya siya? Sana naman pagbigyan ako na muli kaming pagtagpuin ni Oppa.
Aish! Sobrang guwapo niya at ang hot talaga.
Bumalik sa isip ko kung paano ko nakita kung mas gaano siya kaguwapo noong tanggalin niya 'yung salamin niya kanina tapos sinabayan niya pa ng isang toothpaste commercial na ngiti 'yung sobrang laking smile with matching kuminam ang ngipin. Tapos hindi naman sa nakakalayo ako kanina pero narinig ko din 'yung malamig niyang boses.
Haysss...
Please lang siya nalang po ang makatuluyan ko, kung hindi man. Baka naman?
Noong magsimula na ang pasukan ay agad ko siyang hinanap at hindi ko mahanap kung ano bang course ang kinuha niya? So dito pinagana ko ang aking pagkamatalino kaya nag-calculate ako nang alam kong maari niyang kuhanin kaso nabigo ako hanggang sa may mag-usap na dalawang chismosa na babae. Tapos malaman kong fashion designer ang kinuha niya.
Ang weird. Ang pogi pogi niya pero...
Sabagay may lalaki nga namang designer. Well, hindi ko na inisip iyon kaya sinilip silip ko siya sa classroom niya at nasaktuhan kong kaunti lang sila doon.
Pumasok na ako at tumabi sa kanya habang busy siya sa white pad niya na nagdo-drawing.
"Ang ganda naman niyang dino-drawing mo, Bebe." Salita ko sabay napatakip ako ng bibig ko nang ang astig ng mata niya noong mapatingin siya sa akin ng masama.
Ang guwapo niya talaga.
"Ako nga pala si Dorothy." Pagpapakilala ko.
"Anong ginagawa mo dito? Sino ka ba? Kaklase ka ba namin?" tanong niya.
"Wala napadaan lang ako."
Ang sungit naman niya.
"Lumabas ka na, kung hindi dito ang classroom mo!"
Nalungkot tuloy ako bigla nang palabas na ako sa pintuan at marinig kong tawagin siya ng babae na Franco.
Napabalik ako ng mabilis sa kanya.
"Pangalan mo Franco?"
Ang ganda ng pangalan niya bagay sa kanya.
Napahawak pa nga siya sa dibdib niya nang magulat siya tapos tinaasan niya ako ng kilay.
"Sino ba ito?" sabi noong babae sa nagma-malditang tono.
Sabunutan kita diyan eh! Akin lang ang asawa ko! Oh diba? The Legal Wife ni Angel Locsin.
"Hindi naman ikaw ang kausap ko si Baby Franco." Saad ko sabay tingin muli sa bebe ko at ngitian siya.
"Sige na, umalis ka na." Turan naman niya sa akin.
Napangiti naman ako. "Oh sige! Aalis na ako pero sa'yong- sa'yo lang ako." Kinikilig ko pang sabi sa kanya sabay kindat at parang nandiri yata siya sa akin.
Inamoy ko nga 'yung kili-kili ko, hindi pa naman pumuputok a?
Grabe sobrang angas ng mukha niya at mas lalo siyang guma-guwapo kapag nagagalit. Sobrang hot!
"Sino ba iyon?" tanong ng babae bago pa ako umalis, we'll ako lang naman ang magiging bride niya.
Niyakap ko pa ang sarili ko nang mag- sink sa utak ko 'yung sobrang bango niya kanina tapos kaunti nalang talaga dapat pala niyakap ko mo muna bago ako nagsalita para mas naramdaman ko pa siya.
I shall return. Bebe ko.
Lumipas ang mga araw parati ko ng nakakatagpo iyang si Franco my love so sweet.
Stalker na kong stalker. Bakit ba?
Basta ba makita ko lang siya at makasama e.
Ang cute niya talaga.
Alam niyo bang pumapasok ako kahit walang pasok para lang mapuntahan ko siya, parati lagi ko pang sinusundan kung saan siya magpunta.
Dumating ang pagkakataon na mas naging malapit kami nang muntik na siyang mabangga ng sasakyan.
Kita ko sa mukha niya 'yung takot noong iligtas ko siya tapos nanginginig pa ang mga kamay niya, kaya pagkakataon ko na ito para yakapin siya.
Niyakap ko siya kaso tinulak niya ako pero sinalo niya rin.
Ang bilis ng mga kamay niya.
Napangiti pa ako nang mapangiti din siya.
"Salamat sa pagliligtas mo sa akin a?"
"Wala iyon!"
"Anong wala iyon? Meron, dahil hindi maliit na bagay 'yung nagawa mo. You save my life."
Ayyieee! Kinikilig naman ako kapag hindi siya nagsusungit at nakangiti pa siya.
Sinamahan ko siya sa malapit na clinic pagkatapos nagsabay muli kami.
"Napagtanto ko lang ikaw 'yung babae na pumunta sa room noon hindi ba?"
"Ah! Ako nga sorry sa inasal ko a?"
Ngumiti muli siya.
Sobrang guwapo niya, kaya sa hindi ko napigilan napayakap ako sa likod niya nang mauna siya sa akin. Sobrang bango niya talaga at hindi ko tinipid ang pagsinghot niyon.
"Ano bang ginagawa mo?" tanong niya sa hindi naman galit na tono.
"Ay sorry uli."
"Taga SCU ka rin ba?"
"Oo!" sabi ko naman.
"So... What is your course is?"
"Ah! Secondary teacher."
"Wow naman, good luck!"
Hala nagpapa good- luck na sa akin ang future mister ko.
Oh my gash namumula tuloy ako saka ako napangiti sa kanya na nagpapa-cute.
"Bakit ka nga pala pumunta sa room nang araw na iyon?"
Ah! Iyon? Gusto ko lang naman makipagkaibigan. Makipagka -ibigan. charot!