Chapter 36 MOZZ / TROIS Maaga pa ng magising ako, marahil sa ilang buwan na nanatili ako dito sa Amerika ay unti unti kong nakakasanayan ang buhay dito. Maaga ako nagising dahil naalala ko na andito pala sila Kuya Thad at ang mga kapatid ko. Nakakagulat ang vigla nilang pagsulpot dito sa Amerika. Hindi ko talaga inaasahan. Alam ko na may problema si Kuya Thad ngayon dahil napapansin ko sa mga kilos niya, minsan nakatulala at malalim ang iniisip. Lalo ko pa napatunayan ng marinig kong nag-uusap si Chyrill at Leaf na tungkol sa babaeng nanakit kay Kuya. Humahanap lang ako ng tyempo para makausap siya, ang alam jong babaeng kinababaliwan niya ay si Serona isa sa mga tinuturing kong kapatid sa bar. Ano kaya ang nangyari sakanila. Alam ko naman na makakaya ni Kuya ang problema niya dahil

