Chapter 21 MOZZ/TROIS Nang makita ko si Jean na nakikipag+kwentuhan sa mga kaibigan ko, pumunta ako kay Kris at kinausap siya kong pwede ko mahiram ang motor niya gusto ko kasi pumunta kami ni Jean sa isang resort sa Zamabales. Nabanggit ni Kuya Thad na meron kaming pagmamay-ari na resort kong saan isa itong pribadong resort na para lang sa pamilya. Pagka-bigay sa akin ni Kris ng susi ay niyaya ko na si Jean na umalis at pumunta sa resort. Nag-paalam na kami sa mga kaibigan ko atsaka umalis. Sakay kami ng motor ni Kris papunta sa Zamabales doon ko muna ilalagi si Jean ng ilang araw para makapag relax at mawala ang problemahang kinakaharap namin. Alam ko na nakasunod lang ang mga tauhan ni Dad sa amin ng pasimple. Naitawag nadin naman ni Kuya sa katiwala ng resort na dadating kami ni J

