Chapter 48 MOZZ/ TROIS Lumipas na ang panahon, mga panahon na akala ko ay hanggang sa pagiging Macho Dancer nalang ang mararating ko. Kay bilis ng araw parang kelan lang ng magtungo ako sa Amerika kasama si Andress. Ang America ang naging tahanan ko sa nakalipas na dalawang taon. Sa lugar na ito binago ko ang aking sarili at masasabi ko na ibang iba na ang Mozz ngayon kesa noong unang dumating ako dito sa banyagang bansa. Binago nang mga masasakit na alalala ang katauhan ko, Ganunpaman isa lang ang hindi nag-babago at patuloy parin na nasa puso ko, walang ibang kundi ang pagmamahal ko sa isang babaeng minahal ko kay JEAN. Kailangan kong makita si Jean at mahanap gaya ng pangako ko sa sarili ko, hahanapin ko siya pagbalik ko. Hindi ako papayag na matatapos kami ng gano'n lang. Sa araw-

