Chapter 42 JEAN Limang buwan matapos akong manganak, nakabalik na kami sa Manila. Maayos na ang kalagayan ko, at masigla na rin ang kambal—si Trois na laging alerto at si Jebran na parang laging inaantok. Napuno ng ngiti ang unit naming inuupahan pansamantala sa Makati, lalo na’t parang may sariling mundo ang tatlong taga-bardagul—sina Vincent, Anna, at Chellay—na mas naging protective at OA pa sa pagiging magulang kaysa sa akin. Nang gabing iyon, habang natutulog na ang kambal, tumayo ako sa gilid ng kama at tiningnan silang maigi. Hinaplos ko ang mga pisngi nila. Para bang sinasabi ng puso ko—oras na. Kailangan ko na siyang hanapin. Kailangan ko nang harapin ang tanong na ilang buwan ko nang iniiwasan. Buhay pa ba si Mozz? Nasa condo pa rin kaya siya? At kung oo… handa ba siyang ma

