Chapter 23 JEAN Sa sobrang saya ng puso, wala ng paglagayan ang mga ngiti ko dahil sa wakas nangyari din ang plano namin na magkasama ni Mozz. Tatlong araw na kaming nanatili dito sa Zambales sa resort ng kanyang kaibigan. Puno padin ng takot ang puso habang magkasama kami, na baka, ano mang oras ay kunin nila ako Kay Mozz. Hanggang ngayon nagtataka padin ako kong bakit sobrang bait ng kaibigan niya na yon at pinatuloy kami at inaasikaso ng maayos dito sa resort maging ang aming mga personal na pangangailangan ay kumpleto nadin. Maaga akong gumising kasi gusto ko makita ang pagsikat ng araw sa dalampasigan. Nakayapak ako habang nag-lalakad. Nakasuot ako ng isang dress habang malayang tinatangay ng hangin sa dalampasigan maging ang aking buhok ay nakalugay at malayang nakikipagsayaw sa

