ANG SAYAW NG TUKSO

1245 Words
CHAPTER 2 Third Person POV Sa loob ng madilim at mainit na club, nagsimula nang dumagundong ang malakas na tugtog isang sensual at mabagal na beat na tila nag-aanyaya ng kasalanan. Ang ilaw ay kumikislap sa bawat sulok, sumasabay sa ritmo ng musika. Ang kapaligiran ay puno ng ingay halong sigawan, halakhakan, at paghinga ng mga babaeng sabik sa susunod na mangyayari. Sa gitna ng entablado, isang anino ang unti-unting lumitaw. Matikas. Mapanukso. Lahat ng mata ay nakatuon sa kanya. Si Trois isang mananayaw sa Club.. Ang paborito ng lahat. Ang lalaking kayang gawing alipin ng tukso ang sinumang tumingin sa kanya. "AAAAHHHHH! AYAN NA SIYA!" sigaw ng isang babae mula sa harap ng stage. "TROIS! AKIN KA LANG!" "ANAKAN MO AKO!" Nagkagulo ang mga kababaihan, ang iba’y nagkakandaliyad sa pagkasabik, ang ilan nama’y nag-aabot na ng salapi sa kahit anong parte ng katawan ng lalaking kanilang sinasamba. May mga nag-aabot ng baso ng alak, umaasang mapansin niya. Pero si Trois? Kalma lang. Ngiting may bahid ng pang-aakit. Walang pagmamadali sa bawat kilos. Alam niya ang kanyang papel, at higit sa lahat, alam niyang hawak niya ang kontrol. Dahan-dahang kumilos si Trois, iniangat ang ulo, hinayaang dumaan sa kanyang balat ang mapulang ilaw ng entablado. Sa unang hakbang pa lang, alam na ng lahat ito na ang simula ng isang sayaw na hindi nila malilimutan. Tik. Tok. Tik. Tok. Bawat tunog ng tambol ay tila isang utos, at sinunod ito ng kanyang katawan. Unang ikot isang mabagal, paakyat na paggalaw ng balakang. Pinanood nila ang pag-alsa ng kanyang muscles, ang banayad ngunit matikas na pagbuka ng kanyang dibdib habang unti-unting hinuhubad ang suot niyang manipis na jacket. Hinimatay ang isa sa audience. "s**t, TROIS! f**k ME!" Nagpatuloy siya. Naka-half-open na ang kanyang leather vest, bahagyang nakikita ang matigas niyang abs. Ibinaba niya ang tingin, pinasadahan ng mga daliri ang sarili niyang dibdib, parang inaangkin ang sarili. Mas lumakas ang sigawan. "EYUTEN MO AKO, TROIS!" "SIGE NA! ANAKAN MO KAMI LAHAAAT!" Bawat sigaw ay lalong nagpagana sa kanya. Ang mga kamay niya’y umangat sa ere, nanginginig na parang may hinahaplos na hindi nakikita. Ginamit niya ang dila niya dahan-dahang inilabas, pinaikot sa labi niya, tila may tinitikman. Ang bawat galaw ng kanyang bibig ay para bang bumubulong ng isang pangakong walang sinuman ang kayang labanan. "f**k! ANG INIT MO!" Ang ilang babae sa audience ay hindi na mapakali. May ilan nang naghahalo ng alak sa kanilang katawan, tila gusto nilang gayahin ang init na hatid ni Mozzimo. Sa gitna ng pagsasayaw, bumaba ang kamay niya mula sa ere. Hinagod ang sarili mula leeg, pababa sa dibdib, hanggang sa abs at huminto malapit sa kanyang sinturon. Nagtagal siya roon. Binaba ang tingin sa audience. Ngumisi. Iginiling niya ang kanyang balakang sa dahan-dahang galaw, tila isang mabagal na pag-angkin sa ere. Hysterical na ang sigawan. "P*TANGINA! GRABEH!" "IYONG-IYO AKO, TROIS! KAHIT SAAN, KAHIT KAILAN!" Walang pakialam si TROIS. Nakaluhod na siya ngayon sa entablado, gumigiling pa rin, hawak ang sariling tuhod habang unti-unting iniikot ang balakang na tila may iniindayog na hindi nakikita. Sa isang iglap, hinawakan niya ang sinturon. Dahan-dahan niya itong kinalas. Tila nawala ang oras. Lahat ay napatitig, naghintay. At nang sa wakas ay tuluyan niyang hinila ito mula sa kanyang pantalon, mabilis niyang pinaikot ang sinturon sa ere bago hinampas ito pababa PAK! sa sahig ng entablado. Napatili ang audience. May nalaglag pa mula sa upuan. Sa isang huling kilos, inabot niya ang dulo ng kanyang pantalon, bahagyang hinila pababa. "YES! HUBARIN MO NAAA!" Pero huminto siya. Ngumisi. Binitiwan niya ang tela, sabay giling paharap sa audience, parang nanunukso. Tila sinasabi: "Not yet. Hindi pa ngayon." Ngunit bago pa tuluyang makababa si TROIS sa entablado, isang babae ang lumapit mula sa gilid. Matangkad, may hubog ang katawan, at halatang sanay sa ganitong klaseng laro. Nakasuot siya ng maiksing damit na halos lumabas na ang pisngi ng kanyang dibdib. Ang kanyang mga hita ay animo’y mga sirenang nagnanais mang-akit. Hinila niya ang kamay ni TROIS at tumuntong siya sa entablado. "WOOOOOH!" Lalong lumakas ang sigawan. "OH MY GOD! MAY KASAYAW SI TROIS!" "ANG SAYA NITO, PUTA!" "SANA AKO NALANG NASA PWESTO NG BABAENG YAN!" Ngunit si TROIS? Hindi natinag. Ngumisi lamang siya habang pinapanood ang babaeng nagsimulang gumiling sa harap niya. At doon, nagsimula ang mas mapanuksong eksena. Sinabayan ni TROIS ang babae. Nag-angat siya ng isang kamay at marahang itinapat sa kanyang bibig, pagkatapos ay inilabas niya ang dila niya mabagal, mapanukso, parang may tinutukso. "OH MY GOD! ANG INIT NIYA!" Gumiling ang babae, inilapit ang katawan kay TROIS. Sa bawat ikot ng kanyang balakang, sa bawat hagod ng kanyang katawan pababa, para bang ang buong entablado ay isang altar ng tukso. Ngunit si TROIS? Lalo pang ginagatungan ang apoy. Ibinuka niya ang kanyang mga hita, bahagyang yumuko, at hinuli ang tingin ng babae. Pinagapang niya ang isang kamay sa sarili niyang dibdib, pababa sa abs, at doon niya ito hininto bahagyang idiniin sa kanyang sinturon. Muli, inilabas niya ang dila niya. Mas mabagal, mas marahan. Nagkagulo ang audience. "P*TANGINA! HINDI KO NA KAYA!" "EYUTEN MO NA AKO, TROIS!" Sa gitna ng init ng entablado, lalo pang lumapit ang babae. Idinikit niya ang kanyang katawan kay Trois, hinaplos ang kanyang dibdib. Para bang gusto niyang iparamdam sa lahat na siya ang napiling babae ng gabing iyon. Pero si Trois? Hindi pa tapos. Hinawakan niya ang bewang ng babae, iniangat siya ng bahagya, at saka giniling ito pababa. "AAAAAHHHH!" Ang matandang babae sa harapan ng entablado ay literal na nagliliyad sa kilig. Halos hindi na ito makahinga sa sobrang excitement. "OH MY GOD! ANAKAN MO AKO, TROIS! HINDI KO NA KAYA!" sigaw ng matandang babae, hawak-hawak ang kanyang dibdib na parang aatakehin sa puso. Ang iba pang kababaihan ay hindi na rin mapakali. May ilan nang kumakapit sa harapan ng entablado, ang ilan nama’y panay ang abot ng pera kay Trois tila gusto nilang bilhin ang kanyang pansin. Nang bumaba ang babaeng kasama ni Trois sa entablado, isang magandang babae ang lumapit sa harapan. Napakaganda niya mahaba ang buhok, may matalim na titig, at halatang sanay sa ganitong laro. Ngunit ang mas nakakagulat? Itinaas niya ang isang 10,000 peso bill. At ipinaipit niya ito sa bibig ni Mozzimo. "OH MY GOD! ANG LAKAS MO TALAGA, SIS!" "10K YAN! SIGURADO AKONG MAY GAGAWIN SI TROIS DITO!" Tumingin si Trois sa babae. May bahid ng pang-aakit sa kanyang mga mata. Alam niyang hindi lang pera ang inaalok ng babae may kasamang hamon, may kasamang tukso. At hindi siya uurong. Kinuha niya ang perang nasa kanyang bibig at saka dahan-dahang lumapit sa babae. Ang kanyang mukha ay halos ilang pulgada nalang ang layo mula sa mukha nito. At doon niya ginawa ang hindi nila inaasahan. Inilabas niya ang kanyang dila. Dahan-dahang inilapit sa babae, parang dinidilaan siya, ngunit hindi niya ito hinahawakan. Parang isang laro. Isang ilusyon ng isang bagay na hindi dapat gawin sa harap ng maraming tao. "AAAAAHHHHH!" "P*TANGINA! NAHIHILO AKO SA KILIG!" "SANA AKO YAN! LORD, KUNIN MO NA AKO!" Ang babae? Halos maputol ang kanyang paghinga. Nanginginig siya sa anticipation, sa matinding pang-aakit ni Trois. Ngunit bago pa lumapat ang kanilang balat, umayos si Trois at tumalikod. Hinayaan niyang mabitin ang babae. Hinayaan niyang mabitin ang LAHAT. At sa isang huling kilos, tumalikod siya, nilingon ang buong audience, at ibinato ang 10,000 peso bill sa ere. Sabay walkout sa entablado at hindi na lumingon sa mga hiyawan at ingay na nagmumula sa mga manunuod......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD