Chapter 50 JEAN’S POINT OF VIEW Masaya ako sa binalita ni Kuya Thaddeus na dumating na si Mozz at ngayon ang pagtatagpo namin na pinaka aasam-asam namin ng mga a nak ko sa wakas sa loob ng dalawang taon ay makikita na nila ang kanilang ama at magiging isang pamilya na kami. Walang araw na hindi ko hinintay ang pagkakataong ito para sa akin at para sa mga anak ko kaya ganito nalang ang kaba at kasiyahan ko dahil natapos na din ang paghihintay ko. Ang lamig ng simoy ng hangin sa park habang naglalakad ako, nanginginig hindi dahil sa panahon, kundi dahil sa kaba sa puso ko. Sa wakas, matapos ang mahabang panahon, muling magkikita kami ni Mozz. Ayon kay Kuya Thaddeus, dito raw kami magkikita, sa mismong park kung saan minsan naming pinangarap ang kinabukasan. Tahimik ang paligid, tanging

