Chapter 9
JEAN
Ilang araw na akong hindi lumalabas simula ng may mangyari sa amin ni Mozz. Dagdagan pa noong umuwi ako ay ang pananakit ni Cris at Mom ang inabot ko.
Tatlong araw din ako nag-kasakit dahil sa matinding pagod at pananakit ng katawan ko. Mabuti nalang at hindi na ako unisisa ni mom kong bakit ako nagkasakit. Isa pa hangang ngayon bakas sa makinis kong mukha ang pumutok kong labi at pa-mamaga ng mukha ko na bakas padin ang pasa.
Habang nakatingin ako sa salamin nakikita ko ang itsura ko puro pasa at maga pa ang labi. Nakikita ko ang mga luha ko na patuloy umaagos. Hanggang kelan ko kailangan pag-laban ang lahat ng ito. Sarili kong mga magulang pilit akong ipinapakasal sa taong ayaw ko para lamang sa sarili nilang interes.
Akala ng iba pag mayaman masarap ang buhay. Nakakatawa lang isipin na kong bibigyan ako ng pagkakataon mas nanaisin ko maging mahirap pero isang masayang pamilya naman ang meron, kesa mayaman ka nga kontrolado naman lahat ng galaw mo. Wala kang kalayaan piliin ang totoong nag-papaligaya sayo.
Sa kabila ng hirap at sakit na pinagdadaanan ko sa pamilya ko may rason parin para sumaya ako, dahil Kay --Mozzimo.
Tuwing kasama ko siya pakiramdam ko para akong malayang ibon na nakawala sa hawla sa mahabang panahon. Si Mozz ang tanging kakampi at karamay ko sa problema ko sa pamilya.
Kapag kasama ko siya yong tipong ayoko na bumalik sa amin dahil kapag bumalik ako babalik na naman sa dati ang takbo ng buhay ko. Kong saan, mararanasan ko na naman ang mag-isa at magmukmok.
Dahil sa inip na nararamdaman, naligo ako at nag ayos, tinakpan ko ng make up ang ilang pasa ko sa mukha dahil sa ginawa ni Mom at Cris na pananakit sakin. Aayain ko nalang ang kaibigan kong si Jhona na mag-mall kami. Hindi naman ako pwedeng mag-punta kay Mozz dahil makikita niya ang mga pasa ko at baka ano pa ang gawin niya kay Cris.
Nang sa tingin ko ay okay na ang itsura ko, bumaba na ako. Kagaya ng dati wala na naman ang magulang ko. Abala na naman siguro sila sa kani-kanilang ginagawa.
Sumakay ako sa kotse ko at pumunta ako sa bahay nila Jhona sa Quezon City para ayain siya mag mall. Nang nakita niya ako ay nakabihis na siya dahil natawagan ko naman na siya bago ako pumunta, kaya hindi na ako naghintay ng matagal kasi nakagayak na siya.
" Spill it! Alam ko may problema ka at hindi lang basta problema yan. Halata sa mukha mo. Kilala na kita Jean bata palang tayo ay mag-bestfriend na tayo kaya alam ko, kong may problema ka o eala." Wika ni Jhona na titig na titig sa akin.
" Alam mo naman kong ano ang problema ko diba, noon pa man. Sa tingin ko nga hindi na ako ma-kakawala sa ganitong sitwasyon. Nakakasawa na! nakakasakal na best pero ayoko sila suwayin kahit na ang bigat bigat na at ang sakit sakit na." Sagot ko kay Jhona kasabay ng pag-tabi ng kotse ko sa gilid ng kalsada.
" Ano kaba naman Jean subukan mo kasing lumaban. Hindi yong lagi ka nila kinakaya. Ipakita mo kanila Tita na kaya mo din tumayo sa sarili mong paa, na wala ang tulong nila. Kong hindi ka lalaban, kelan Jean kapag wala ka nang ilalaban at wala ng rason para lumaban ka. Buong buhay mo nasuklian mo na ang pagiging masunuring anak. Sa pagkakataong ito ilaban mo naman ang sarili mo." Payo ni Jhona sa akin.
Wala ako masagot sa bestfriend ko tanging luha lang ang nagawa ko kasabay ng isang pag-tango. Alam ko makakaalis din ako sa poder nila at pag-nangyari yon malaya ko nang mamahalin si Mozz yong walang takot at hindi isang patagong relasyon ang ginagawa namin.
Nang makarating kami sa mall ni Jhona masaya kaming nag-iikot sa mall, nagpunta kami sa isang boutique kong saan namimili si Jhona ng mga kakailanganin niya para sa bakasyon niya sa states isang linggo mula ngayon.
Isang lingo din ako mawawalan ng karamay at kasama dahil aalis siya para magpunta sa kapatid niya dahil niyaya sya sa isang bakasyon kahit isang linggo lang. Na pinaunlakan naman ni Jhona dahil ilang taon nadin simula ng huling magpunta sya sa US.
" Jean bakit kaya hindi mo baguhin ang pananamit mo, masyado kang manang at old fashioned. Halos tago lahat ng parte ng katawan mo sa mga sinusuot mo. Makinis ka naman at sexy alam ko na babagay sayo ang mga damit na to, isukat mo nga!" Wika sakin ni Jhona habang inaabot sa akin ang damit.
Kinuha ko ang binigay niya at sinukat sa dressing room, halos mapangiwi ako sa binigay niyang damit na parang luluwa na ang kaluluwa ko sa sobrang ikli at makita na ang mga dapat.
Hindi kasi ako sanay sa mga ganitong damit. Nag-kakasya nalang ako sa palaging pantalon at blouse, pero itong pinili niya parang hindi ko kayang lumabas na ito ang suot ko.
Pag-kalabas ko sa dressing room nagulat pa siya ng binalik ko ang binili niya at sinabi na hindi ko kayang isuot ang mga napili niya. Nakita ko pa ang pagka-busangot ng kanyang mukha dahil sa sinabi ko ganoon pa man ay wala naman siya magagawa kong ayaw ko.
Matapos namin mamili ng mga damit ay nag-ikot ikot kami hangang sa dumako ang mata ko sa isang coffee shop.
Hindi ko inaasahan na ang lalaking iniibig ko ay may kasamang iba at sweet na sweet sa isat-isa.
Nabigla ako sa nakita ko.
Hindi ko akalain na sa ganitong eksena ang muli naming pagtatagpo. Ganoon nalang ba yon pagkatapos ng nangyari sa amin ipagpapalit niya agad ako, dahil nakuha niya na ang gusto niya sa kin.
Hanggang sa hatakin ni Jhona ang kamay ko papasok sa coffee shop. Nakita ko din ang pagkabigla ni Mozz pero hindi ko na siya pinansin. Tinalikuran ko nalang siya at pumunta kami ni Jhona sa dulong bahagi.
Masakit pala maloko ng harap-harapan gusto ng bumagsak ng mga luha ko pero pinigilan ko nalang dahil ayoko din mag-alala ang kaibigan ko. Yong dibdib ko gusto ng sumabog dahil sa sari-saring emosyon. Nang magpaalam sa akin si Jhona na may pupuntahan lang at may nakalimutan bilhin. Sinamantala ko ang pagkakataon na umalis. Dali dali akong umalis at doon tuluyan ng bumagsak ang luha ko na parang dumadaloy sa gripo dahil sa eksena ng nakita ko. Sobrang sakit ng puso ko halos hindi ako makahinga dahil sa pinipigilan kong emosyon na nararamdaman ko sa mga sandaling ito.
Hanggang sa isang kamay ang humatak sa akin at niyakap ako ng mahigpit.........