Chapter 31 JEAN Tatlong buwan na ang nakalipas simula ng dumating ako dito sa Davao. Isang isla ang pinagdalhan sa akin ng anak ni Yaya na si Anna. Sobrang saya ko dahil nakaalis na ako sa poder nila Mommy at ni Cris. Kahit papaano alam ko na ligtas na ang magiging anak ko. Masarap dito sa Davao, bukod sa tahimik ang lugar, malinis ang tubig sa dalampasigan, nakakarelax at masarap tumambay. Halata nadin ang tiyan ko, tatlong buwan na ito at sabi ng doctor ng pumunta dito sa isla ay healthy ang baby ko. Nagtataka ko sa lugar na pinagdalhan sa akin ni Anna dahil halos lahat ng gamit sa siyudad ay nandito. May mga ilang tao at pamilya lang sa isla na tinitirhan namin. Ang sabi ni Anna sila lang daw talaga ang mga tao dito at may sumusuporta daw sa isla. Isang dayuhan na niligtas ng mga

