PROLOGUE

1013 Words
JEAN'S POV Malamig ang gabi. Naka tanaw ako sa pasikat na buwan habang naka dungaw sa bintana. Dinadama ko ang sariwang simoy ng hangin. Naramdaman ko ang pag pulupot ng kamay niya sa aking balingkinitang bewang. Napa ngiti at humarap sakanya. Inilagay ko ang magka bilang kamay ko sa kanyang batok at tinitigan ang maganda niyang mata. “ Mozzimo, salamat sa lahat. ” Masuyong sambit ko na ikina ngiti niya. “ Mahal kita, Jean. ” Kanyang tugon at hinaplos ang aking pisnge kasabay ng pag dikit ng kanyang labi saakin. Isang masuyong halik mula sakanya na kalaunan ay naging agresibo. Walang pag tutol sa aking katawan, pagkat ang nais ko ay ang maramdaman ang bawat haplos niya— kung gaano niya ako kamahal. Mahal na mahal ko si Mozzimo kapag kasama ko siya pakiramdam ko, malaya Ako sa lahat ng problema na meron ako. Kapag kasama ko siya ramdam ko ang seguridad sa piling niya. Unti unti niyang hinubad ang aking damit at inihiga sa malambot na kama. Inalis niya ang kanyang pang itaas na damit at muli akong hinalikan ng may pag iingat. Kagat labi ako habang dinadama ang kanyang mainit na halik. Bawat haplos at halik niya sa akin ay nag-iiwan sa akin ng kakaibang init tuwing kasama ko siya. Ngunit, hindi rin nag tagal ay isang malakas na pagka basag ng glass door sa labas ang aming narinig. Dali dali siyang tumayo at inabot saakin ang mga damit ko. Nauna siyang lumabas ng kwarto. Sumunod ako na punong puno ng pag tataka. Natuod ako sa aking kinatatayuan ng makita ko kung sino ang tao sa labas. Halos hindi ako maka hugot ng salita at ganon din si Mozzimo na napapalibutan ng mga tauhan.. “ D- Daddy. ” Malakas ang aking kaba at nauutal na ako. Nag aapoy sa galit ang aking ama ngayon pang natagpuan na niya ako na kasama na naman si Mozzimo. ... Mabilis ang naging pagkilos ng mga tauhan ni Daddy at kinuha si Mozzimo. Nagimbal ako sa ginawa nilang pambubogbog sa taong mahal ko. Gusto kong umawat pero hawak ni Mom ang aking kamay para pigilan sa pagtatangka kong pag-awat. Tanging pagluha ko lang ang karamay ko habang pinanunuod ko habang binubugbog nila ang taong mahal ko. "P*t*ng" na mo, Mozzimo! Akala mo ba may lugar ka sa buhay ng anak ko?! Hindi ang isang kagaya mo ang nararapat para sa anak ko!" dumadagundong ang sigaw ni Daddy sa buong mansyon. Napapikit ako sa takot, pero mas lalong nanikip ang dibdib ko nang marinig ko ang sagot ni Mozzimo. "Mahal ko po si Jean. Hindi ko po siya kayang saktan—" "Shut the f*ck up!" sigaw ni Daddy. "Macho dancer ka lang! Isang hamak na basurang walang kwenta! Anong ipapakain mo sa anak ko? Tira-tirang pera mula sa mga babaeng malil*bog?!" "Mommy, Daddy, please..." Nanginginig ang boses ko habang mahigpit na hawak ang kamay ni Mozzimo ng makawala ako sa pagkakahawak kay Mommy. "Mahal ko siya Mom, hayaan niyo nalang po sana kami ni Mozzimo." Natawa si Mommy—isang nakakasuklam at mapanlait na tawa. "Mahal? Jusko, Jean! Napakat*nga mo! Alam mo bang kahit ipunin niya lahat ng barya sa club, hindi pa rin niya kayang bilhin kahit isang sapatos ko?" Lumingon siya kay Mozzimo at tiningnan ito na parang dumi. "Pwes, anak, makinig kang mabuti. Kung pipiliin mo ‘yang p*tay-gutom na ‘yan, kakalimutan ka na namin. Wala ka nang pamilya." Nanlabo ang paningin ko dahil sa luha. Hindi ko inaasahan na aabot kami sa puntong ganito. Hindi pala kayang unawain ng mga magulang ko na minamahal ko si Mozzimo. Kong makikilala at bibigyan lang sana nila ng pagkakataon si Mozzimo, alam ko na magugustuhan din nila ang lalaking mahal ko. "Jean, let’s be real here," singit ni Chris, may bahid ng pang-iinsulto ang boses. "Do you honestly think you can have a future with him? He’s a trash. He’ll never be enough for you." "G*g* ka, Chris!" galit na sigaw ni Mozzimo, Duguan ang labi niya mula sa suntok ng tauhan ni Daddy, pero hindi siya natinag. "Hindi mo kami kilala!" "Nararamdaman?" Tumawa nang malakas si Daddy. "T*ng*na, ‘pag hindi ka nawala sa buhay ng anak ko, ikaw mismo pap*tayin ko!" Galit na wika ni Dad. "Jean, this is your last chance," malamig na sabi ni Mommy. "Choose. Kami o ‘yang hampaslupang ‘yan? MAMILI KA JEAN!" Nanginginig ako. Alam kong kahit anong gawin ko, hindi ko siya maililigtas. Kung ipagpipilitan ko si Mozzimo, baka hindi lang siya bugbugin—baka tuluyan na siyang mawala sa akin. Napapikit ako nang mahigpit, ramdam ang sakit na pumupunit sa puso ko. "Mozzimo… I’m sorry…" bulong ko, dahan-dahang binibitawan ang kamay niya. "Jean…" Puno ng sakit ang tinig niya. Hindi ko kinayang lingunin siya. At sa gabing iyon, kasabay ng bawat patak ng luha ko, natapos ang lahat. Tanging hiling ko sa maykapal. Nawa'y maka ahon mula sa pait na dulot ko si Mozzimo. Sana sa muling pag ikot ng gulong ng buhay ay unti unti na siyang tumataas. Patuloy sa pag ikot para muling ipag patuloy ang buhay. “ Jean! H'wag mong gawin sakin ito. Paki usap hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala ka ! ” Hindi na ako muling lumingon pa, dahil kinakaladkad na siya palabas ng mansyon. Kasabay ng pag sarado ng malaking pinto ng aming mansyon ang s'yang pag p*tok ng isang b*ril. Natigilan ako at nanlamig ang buong katawan ko. Pilit kong pinihit ang katawan ko paharap muli sa naka saradong pinto ngunit, wala ng Mozzimo sa loob. Mas nag unahan pababa ang luha ko. Nanlabot ang katawan ko kasabay ng aking pag hagolgol at pag bagsak sa sahig. Yakap yakap ko ang aking sarili habang dinadama ang sobrang sakit. “ MOZZIMO! ” Buong lakas kong sigaw to bago tuluyang bumigay ang aking katawan. Hindi ko maintindihan kung gaano ba kalaking sugat ang dinulot ng gabing ito sa'akin ngunit, alam ko— alam na na dadalhin ko ito hanggang sa kabilang buhay. At patuloy na dadaan ang panahon at maiiwan ako " Sa Gulong Ng Kahapon”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD