Chapter 11 MOZZ/ TROIS Tanghali na ng magising ako, dala dala ang isipin tungkol sa nangyari kagabi sa bar. Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa kakaisip sa isang extranghero na kumausap sa akin kagabi.. Naisip ko ang sinabi niya tungkol sa totoong pamilya ko. Thaddeus? ikaw nga ba ang Kuya ko. Nagtatalo ang puso't isipan ko kong maniniwala ba ako o hindi pero may bahagi sa puso ko na gusto siyang paniwalaan at kilalanin bilang nakakatandang kapatid. Natatakot ako malaman ang katotohanan at magiging epekto nito sa mga kinagisnan kong magulang. Ayoko silang mag-isip tungkol sa lalaking nakausap ko kagabi, pero hindi naman matahimik ang puso ko. Litong lito na ako kailangan ko makausap ang Tatay at Nanay dahil sila lang ang makakatulong sa akin. Bumangon ako at hinanap ko sila sa ku

