Chapter 26 MOZZ/TROIS Nang magising ako, ang nabungaran ko ang kapatid kong si Leaf na nakayukyok sa aking kama. Tiningnan ko na lamang siya dahil ng makita ko ang orasan sa pader ay pasado alas singko na nang madaling araw. Nakatulala lamang ako habang inaalala ang nangyari sa amin ni Jean. Hindi ko maintindihan kong bakit kailangan niyang gawin na isakripisyo ang pagmamahalan namin para lamang kaligtasan ko. Sinabi ko naman sakanya na magtiwala siya sa akin, pero bakit hindi niya ginawa. Ang tama ng baril sa katawan ko at pambubugbog sa aking katawan ay walang katumbas na sakit sa nararamdaman ng puso ko ngayon. Unti-unting pinapatay at dinudurog dahil sa sobrang sakit. Sa paghihiwalay namin ni Jean ay para akong nawalan ng isang bahagi ng pagkatao ko. Hindi lang simpleng atraks

