Mag dalawang buwan na siya sa palawan at unti-unti na siyang nakaka ahon may kunting bakery na siya dipa kompleto pero kahit papa ano alam niyang makaka ahon siya dahil na rin sa tulong ng kanyang kaibigan.
“ sar salamat ahh, nariyan ka parin"- pasasalamat niya sa kaibigan. Nasa sala sila, kadarating lang nito galing manila at binisita siya.
"ano kaba bakla sympre kaibigan kaya kita"
“nahihiya ako sayo,kung wala ka diko alam kung pa ano ako magsisimula"
“bakla naman ehhh nagdrama kapa naiiyak tuloy ako"
Nagyakapan na lang sila ng biglang parang nasusuka siya. kaya agad siyang tumakbo sa lababo para magsuka, Napapansin niyang ilang araw na siyang ganun lalo na sa umaga.
"hoooy bakla buntis kaba"
“diko alam bakla, ilang araw na akong ganito"
“hala ka"
Natakot naman siya bigla dahil sa reaksiyon ng kaibigan.
“huwag naman sana“- na luluha na siyang turan.
“wait bili tayo ng PT para malaman kung totoong buntis ka nga"
“bakla diko alam ang gagawin q if buntis nga ako,kasisimula ko palang sa mga ito"- lumuluha na talagang sambit niya habang nilibot ang kabuoan ng bahay nila.
“ayaw mo ba noon may makakasama kana"- pag aalo sa kanya ng kanyang kaibigan
“pero"
“huwag kanang umagal pa, dahil im sure yan ang swerte sa buhay mo" sermon pa ng kaibigan niya.
Tumahimik na lang siya at sumang ayon dito. Kaya lumabas sila para bumili ng PT.
Walang silang nagawa ni garret ng sumang ayon si nix sa plano nila jailler na kukuha ng magpapanggap na girlfriend ni nix para pag selosin ang girlfriend nito na nagluko.
“ then it's done, problem solve" turan niya
“lets celebrate now"- sigaw ni xavier sabay angat sa baso nitong may labang vodka. kaya nakipag cheers na silang lahat.
Nasa kalagitnaan sila ng pag eenjoy ng may tumawag sa kanya.
“yes" sagot niya dito
“boss miss ara is in the province" informa ng assistant niya. Napa seryuso siya ng mukha sa narinig..
“Balak ba niya akong pagtago an in just a moment nasa province na siya"- ani ng kanyang isip.
“okay miguel,look her location and send it to me"- bilin niya sa assistant
Hindi niya alam kung ano ang ginawa niya pero gusto niya itong makita at maka usap.
Ng matanggap nia ang email ng assistant kung nasaan ang babae ang ngumisi siya. pupuntahan niya ito next week ayusin muna niya ang kanyang schedule.
“Anak magpakatatag karin ahhh kahit na di natin kasama papa mo"- bulong niya sa kanyang tiyan habang haplos haplos niya ito.
Bigla tuloy niyang na alala c zhicheng ng mga oras na yon.
“Ara pabili ako ng pandesal"- sabi ni aling maria sa kanya
“ilan po inay" nakangiti niyang turan
“20pcs lang nak"
“sandali po"
Duma an ang mga araw na ganun parin siya laging nasusuka sa umaga at walang ganang kumain at tulog. Pero pinipilit parin niyang mag trabaho sa maliit niyang bakery para may pan gastos siya nahihiya na kasi siya sa kaibigan lagi siya nitong tinutulongan.
Kinabukasan nasa banyo parin siya at na iiyak na siya dahil sa kasusuka ng may kumatok sa pinto ng bahay niya.
Lumabas naman siya para pag buksan yon ng matulala siya dahil si Zhi ang napag buksan niya.
“Z- zhi"- sambit niya sa pangalan nito
“yups can i come in"- sabi nito sabay nilibot ang paningin sa paligid.
Wala na siyang nagawa kundi ang luwagan ang pagkakabukas niya ng pinto.
"A-anong ginagawa mo rito,pa ano mo nalaman nandito ako,sinu nagsabi sayo ng address ko"- sunod-sunod niyang tanong dito.
“heeeey, pwede bang isa isa ang tanong mahina ang kalaban" - nakangisi parin turan nito.
“Ano nga"- na iinis niyang turan dito
“okay, okay relax, pinahanap kita sa assistant ko, dahil pagka gising ko wala kana". “a-ahhhmm sorry dina ako nagpa alam. nahihiya kasi ako sayo ehhh"- naka yuko niyang sabi rito.
“nahihiya at bakit"- tanung nito sa kanya.
Pero hindi siya sumagot dito nakayuko lang siya.
“ara look at me"- sabi nito sa kanya sabay angat sa kanyang mukha
namumula ang mukhang tiningnan niya si zhi. “look ara, may alok ako sayo if you want lang naman" panimula nito.
“if gusto mo sumama ka sa akin sa manila, be my secretary"
kahit na nagugulohan ay nagawa parin niyang sumagot dito.
“sir zhi salamat po sa alok pero, okay napo ako dito sa palawan wala yong tita ko na mang gugulo po sa akin dito"- habang turan niya .
“will ara gusto lang kitang tulongan and ma protektahan sa tita mo or sa kahit sino gusto manakit sayo"- sabi parin nito.
“sir zhi salamat po tlga pero di po ako pwede umalis dito may kunting bakeshop napo ako dito wala pong mag aasikaso if aalis ako dito"
Napa buntong hininga ito pero dina siya kinulit nito.
“okay if that's what you want, pero pwede ba ako dumalaw dito"- tanong pa nito sa kanya na ikina gulat niya.
Kaya wala sa suriling tumango siya rito.
Nagkwentohan pa sila at nagtanungan di niya ma wari kung bakit ang gaan ng pakiramdam niya dito na feeling niya ay kapag nandito ito sa tabi niya ay safe siya. Saka napansin niya na dina siya nasusuka kapag na aamoy niya ang amoy nito. Nasa bakeshop sila ngayon sa tabi ng bahay niya inilibot niya ang lalaki doon dahil gusto daw nitong makita yon.
Dina nila namalayang gabi na pala kaya nagpasya siyang pumunta sa kusina para magluto ng dinner nila.
“ pahinga ka muna zhi magluluto lang ako"- pa alam niya rito.
Tumango naman ito saka ito umupo sa sofa. Siya naman ay pumunta sa kusina.
Nasa kalagitnaan siya ng pagluluto ng magulat siya dahil nakita niya c zhi na nakatayo sa may pintuan at pina panuod siya. “anak ng pating naman ohhh"- gulat niyang sabi sabay hawak sa dibdib niya.
“im sorry nagulat ba kita"-nag aalala nitong sabi sabay lapit sa kanya.