Niyakap nang mahigpit ni Hugo si Aaliyah. Ibang klaseng pagmamahal na ang nararamdaman niya ngayon para sa dalaga. Kung mahal na niya ito noong anak-anakan pa lang ang turing niya, ngayon ay mas malalim na klase ng pagmamahal na ang kaya niyang ibigay rito. Hindi na niya kayang mawalay sa dalaga. Kaya nga kahit magsinungaling siya nang paulit-ulit sa kaibigan niyang si Miguel ay gagawin niya, maprotektahan lamang ang relasyon nila ni Aaliyah. Habang yakap niya si Aaliyah, ay paulit-ulit sa isip niya ang mga binitawang salita ni Miguel sa kanya kanina. Nang makita ni Hugo na si Miguel ang tumatawag sa kanya’y alam niyang kailangan niyang sagutin ang tawag nito. Sigurado siyang nabanggit na ni Donna rito ang pagkikita nito at ni Aaliyah sa ospital kanina. Kaya lumabas muna siya ng kwarto n

